Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2017

VIRAL: Year End Party sa Marikina, Umulan ng Bote ng Mineral Water at Softdrink!

                             Dahil magpapalit na ng taon, ang iba't ibang bayan ngayon ay nagsasagawa ng year end party o pa-concert. Sa Marikina, kahapon ng gabi (Dec. 30) ay nagsagawa sila ng libreng pa-concert si Mayor Marcelino "Marcy" Teodoro. Dinagsa ito hindi lamang ng mga taga-Marikina kundi pati na rin ng mga taga ibang lugar.       Isang Facebook user na nagngangalang Daryll Jem Josef Reyes ang nag-post ng kanyang pagkadismasya sa ilang mga dumalo ng concert dahil naghagis ang mga ito ng bote ng mineral water at mayroon pa ngang bote ng softdrink at iba pa. Ibnahagi niya ito sa Facebook group na Marikina News.      Hiling ni Daryll na sana ay 'di mga taga-Marikina ang nagsawa nito. Nakakahiya diumano kay Mayor Marcy at sa mga bisitang performer ang inasal ng mga ito. Hindi nila ikina-cool ang ganito. 'Di kaila sa atin na ang mga taga-Marikina ay kilala sa pagiging disiplinado at masunurin sa batas.     Marami ang nag-react sa ipinost ni Darry

Lalaki, nag-viral dahil sa pagpupumilit na pasakayin sa kotse ang 18-anyos na babae

                                                  Kung isa kang babae at may estrangherong lalaki na nasa kotse at biglang huminto sa tapat mo pagkatapos ay aalukin kang sumakay, papayag ka ba? Nagmamagandang loob lang ba ang nag-aalok ng libreng sakay o iba ang motibo nito? Sa ibang bansa, uso ang hitchhiking kahit ‘di mo kakilala. Pero dito sa Pilipinas, hindi ka basta makikisakay sa sasakyan nang ‘di mo naman kakilala.             Isang lalaki ang nag-viral sa social media matapos na alukin nito ng sakay ang isang 18-anyos na babae. Tinagurian siyang ‘kilabot ng senior high’ ng nag-post na Facebook user na si CA Santos.  Pilit raw kasing pinasasakay ng lalaki ang kanyang kapatid sa kotse nito kahit na tinanggihan na ito. Hindi naman daw pokpok ang kanyang kapatid na nakita lang sa kalsada ay isasama na lang nito basta. Nagmamakaawa pa raw ang lalaki na ihatid ng lalaki ang kanyang kapatid.             Binalaan ni Santos ang mga magulang na may anak na babae na mag-ingat

Rider na nagpakilalang pulis na nanakit ng traffic enforcer, police clearance lang pala ang hawak

                                                Isa na namang motorista ang nagwala at nanakit sa kalsada. Sa pagkakataon na ito ay isa namang rider ng motor ang nanuntok ng MMDA traffic enforcer.        Sa ulat ng 24 Oras, isang nagngangalang Ryan Christopher Bautista, 25-anyos ang nakabangga ng SUV sa may Balintawak. Nang rumesponde na ang MMDA traffic enforcer na si Jinggoy Oli ay bigla itong nagwala.        Makikita sa video na ipinadala ni Oli na galit na galit si Ryan at napagbalingan ng galit nito ang rumespondeng traffic enforcer. Nagpakilala diumanong pulis si Ryan at sinabihan si Oli na under lang siya nito. Nagtanong pa ito kung gusto ba nitong sampalin niya si Oli ng isang dangkal.        Sinuntok diumano sa ulo ni Ryan si Oli.        Pero nang hinanapan na ni Oli ng ID na nagpapatunay kung pulis nga ba talaga si Ryan ay police clearance ang ipinakita nito.        Kinasuhan na si Ryan at kasalukuyang nakakulong sa QCPD Station 3, Quezon City.  Panoo

Perang Walang Mukha, Nakuha ng Babae sa ATM ng Isang Bangko

                     Sa mukha nakikilala ang isang tao. Ganito rin sa pera, malalaman ang halaga ng pera hindi lang sa kulay nito kundi pati na rin sa mukha ng presidente o bayani na nakalagay dito. Pero paano kung ang pera na nakuha mo ay walang mukha?       Ganito ang karanasan ng isang babae na nagngangalang Earl Anne na nagpadala ng mga larawan sa GMA 7 kung saan ay ipinapakita niya ang mga 100 pesos na walang mukha ni Manuel Roxas. Nakuha raw niya ang faceless money mula sa ATM ng isang bangko.      Ipinagbigay alam na raw ni Earl Anne ang pangyayari sa bangko at pinapupunta siya ng management sa branch na pinagkuhanan niya ng pera.       Samantala, wala pang reaksyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa faceless money na nakuha ni Earl Anne.  Panoorin ang video:

Sen. Trillanes Binanatan si Vice Mayor Paolo Duterte Hinggil sa Pagbibitaw nito sa Puwesto

                            Pinasaringan ni Sen. Antonio Trillanes IV si Davao Vice Mayor Paolo "Polong" Duterte hinggil sa pagri-resign nito sa puwesto. Sa kadahilanang nababahiran na raw ng dumi masyado ang kanyang reputasyon.     Isa sa nabanggit na dahilan ni Polong ay ang pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa pagpupuslit ng malaking halaga ng shabu sa Bureau of Custom pati na rin ang kontrobersyal na pagkakasangkot ng kanyang anak sa pagpapa-photo shoot sa loob ng Malacanang.     Ayon kay Polong, pinalaki siya ng kanyang mga magulang na mayroong prinsipyo at delicadeza. Kaya't minabuti niyang magbitiw na lang sa puwesto para protektahan ang dignidad ng pamilya pati na rin ang kanyang mga anak. Pero 'di niya inaaalis na balang araw ay makababalik uli siya sa pulitika para makapagsilbing muli sa bayan.       Pero 'di naniniwala si Sen. Trillaness sa rason ni Polong kung bakit ito nagbitiw sa puwesto. Ayon sa senador, "Delicadeza,

Lalaking Naka-kotse, Nanapak ng Pedestrian

                                                 Tila walang katapusan ang bangayan sa kalsada. Katatapos pa lang ng iskandalo na ginawa ni Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng matandang taxi driver. Agad itong nasundan ng suntukan ng isang may-ari ng kotse at ng FX driver. Pagkatapos ay may nanampal din ng driver na nagpakilalang asawa ng taga-NBI.             Ang bago naman ngayon, isang nagngangalang Eddie Co ang nanuntok ng tumatawid lang sa kalsada. Makikita sa CTTV na tumatawid ang isang lalaki na siya namang pagdating ng kotse ni Mr. Co. Hinintuan naman niya ito, pero bigla siyang bumaba at sinapak ang lalaki sa pag-aakalang minura siya nito.             Ang lalaki na tumawid sa kalsada at nasapak ay kinilalang si Ruben Lopez, Jr. Ruben Lopez Jr. Ang cellphone na binasag ni Mr. Co             Ayon kay Dara Celine Remo (pamangkin ni Ruben) na siyang nag-post ng CTTV video sa Facebook, ‘di niya maintindihan kung bakit kailangang manapak ni Mr. Co. Sa

Asawa ng taga-NBI, Nag-Beast Mode sa Parking Lot ng Isang Mall

            Isa na namang babae ang pinagpipiyestahan sa social media dahil pagbi-beast mode o pagwawala nito. Nangyari ang insidente, hindi sa gitna ng kalsada kagaya sa viral video ni Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng taxi driver kundi sa parking lot.            Base sa ipinaskil ng Facebook page na Matalino Man ang Matsing na halaw mula sa amo ng driver na nagbahagi sa social media, feeling diumano ng babae na naaagawan siya ng parking o naunahan kaya;t nagwala ito sa galit. Pinagmumura nito at sinubihan pa ng bakla ang kanyang kaalitan na driver.             Dahil sa nainsulto ang  sinabihan, lalo diumanong ‘di ibinigay sa kanya ang puwesto sa parking na gusto niyang pagparadahan ng sasakyan. Sinabihan pa nito ang driver na ipahuhuli niya ito pagkatapos ay may biglang tinawagan. Aniya sa kausap sa  cellphone, “Dalhin mo dito ang tsapa, may pahuhuli ako sa iyo.”             Nang dumating ang tinawagan, napagkilala ito na taga-NBI. Ayon sa nag-post, kaya p

Dalawang Dalagita, Ginahasa Umano ng Dalawang Lalaki na Ka-FB Chat Nila

                                        Sa panahon ngayon ay usung-uso ang pakikipag-chat sa Facebook. Marami itong magandang dulot dahil nagsisilbi itong kominukasyon. Pero minsan may kapahamakan din itong dulot kapag ‘di nag-ingat. ‘Di akalain ng dalawang magkaklaseng dalagita na ang simpleng pakikipag-chat at pakikipagkita nila ay mauuwi sa kapahamakan.             Ayon sa ulat ng GMA 7, biyernes ng gabi nang pumunta sa bahay ng isa nilang ka-chat ang mga dalagita na edad 15 at 16. Naabutan nila roon ang dalawang lalaki na sina Dave at Norman, kapwa dise otso na naghahalo ng alak.             Sinabi ni SPO4 Gerardo Ellamil na magdi-jamming lang ang magkaka-chat. Maaaring diumanong rape ang kasong kaharapin ng dalawang lalaki.              Itinanggi naman nina Dave at Norman ang sinasabing alegasyon. Pero desidido nang magsampa ng kaso ang kampo ng mga biktima.             Paalala ng pulisya na mag-ingat sa pakikipag-chat lalo’t ‘di naman kilala kung sino ang ka-

Babaeng Nanakit ng Taxi Driver, Maaaring Mawalan ng Driver's License

                                              Maaaring matanggalan ng lisensya ang babaeng nakunan ng video na nanakit ng taxi driver. Ito ay ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).                 "We will let the LTO (Land Transportation Office) decide if [it's a] suspension or cancellation," ito ang sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada sa text message na ipinadala niya sa mga reporter.                 Sinabi rin ni Lizada na ang nasaktang taxi driver na si Virgilio Doctor ay nagsampa na nang panibagong reklamo sa LTO laban kay Chrerish Sharmaine Interior. Kasama diumano sa naturang reklamo ang pag-alis ng lisensya kay Interior.                  Idinagdag pa ni Lizada na ang ipinakitang asal ni Interior ay ‘di nararapat para makagamit pa ng sasakyan sa kalsada. Wala na siyang karapatan na humawak pa ng driver’s license.                  Ang pagkansela diumano sa lisensya ni Interior ay para maiwasang gawin pa niya

Magnanakaw, Nakiligo pa sa Bahay na Kanyang Nilooban

                                                            Isang Facebook user na nagngangalang Leanylyn Cuaresma Yadao ng Marikina ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay.                 Ayon kay Leanylyn, nakita ng kanyang kapatid ang  isang lalaki na palabas sa kanialng bahay bandang 4am. Bitbit ng lalaki ang isang cellphone at isang charger. Nang makasalabong diumano ang lalaki ng kanyang kapatid ay bumalik ito sa loob ng bahay.                 Nang magising na sina Leanylyn ay pumasok pa raw ng banyo ang magnanakaw at nakiligo. Habang hinihintay nila ang pulis na kanilang tinawagan ay nasa loob pa rin ng banyo ang lalaki. Paglabas nito ay sakto namang dumating na ang mga pulis. Wala pa raw itong suot na t-shirt at puro tattoo ang likod nito na puro pangalan ang nakalagay. Napag-alaaman nila na kalalaya lang pala ng lalaki sa kulungan.                 Pinag-iingat ni Leanylyn ang ating mga kakabayan lalo na’t panahon

Viral: Panibagong Away sa Kalsada, Na-Huli Cam!

                           Ang init ng ulo ay huwag dadalhin sa kalsada dahil kapag may nakagitgitan na sasakyan ay siguradong mapapaaway ka. ‘Di pa tapos ang usapin kay Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng matandang taxi driver, heto na naman ay may panibang road rage na nakuhanan ng video.             Sa video post ng Facebook user na si Maricar Acosta, makikita na sinisigaw-sigawan, kinalampag at itinutulak-tulak ng isang long hair na lalaki ang pintuan ng FX. Tumagal pa ng ilang minute ay bumaba na rin ang driver ng  FX at nagpambuno na sila. May kasamang isang lalaki ang FX driver at tumulong na rin sa pagsuntok sa lalaking nagwawala. Makikita rin sa video na may dumating na traffic enforcer at pilit na inawat ang mga nag-aaway na kalalakihan.             Base sa post ni Acosta, nakuhanan niya ang nasabing video sa may NCBA corner Fairlane Drive, Fairview, Quezon City, bandang alas tres ng hapon. Panoorin ang video:

Babaeng Nanampal ng Matandang Taxi Driver, Humingi ng Sorry

                       Nag-viral ang call center agent na si Cherish Sharmaine Interior matapo na makuhanan siya ng video na sinisigawan at sinasampal ang isang matandang taxi driver.Mabilis itong kumalat sa social media matapos itong maupload ng isang netizen. Dahil sa ginawa ni Cherish ay maraming nagalit at nagkundena sa ginawa niya. Nagsalita na si Cherish at humihingi siya ng tawad sa kanyang nagawa. Ipinaliwanag niya na ‘di siya ang gumawa ng Facebook page na nakapangalan sa kanya. Hindi diumano  siya tanga para gumawa ng fan page at ipaglalagay ang picture niya at ng kanyang boyfriend. Idinagdag pa niya na handa siyang tanggapin ng pambaba-bash ng mga tao, pero sana lang ay huwag idamay ang mga tao na may kagaya ng kanyang apelyido.        Basahin ang post ni Cherish:        "Somebody reported my spare facebook account and copied my apology on their Facebook page. This is Cherish Sharmaine Interior. I repeat, I have no Facebook page. I’m not that dumb to create a f

Mga Paring Nakasuot ng Bandila ng Pilipinas, Binabatikos sa Social Media!

                                                Ang bandila ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan at kasarinlan ng isang bansa. Kaya’t dapat itong galangin sa anumang oras at pagkakataon.             Viral ngayon ang larawan ng mga pari dahil sa pagsusot ng watawat ng Pilipinas. Ang mga nasabing larawan ay inupload ng kilalang personalidad na si Even Demata. Sa post ni Even, mababasang galit na galit siya sa ginawang ito ng mga pari. Kulang na lang daw ay lubid puwede nang isabit sa flagpole.             Umani rin ng batikos ang mga paring nagsuot ng watawat,  dapat daw ay magmisa na lang ang mga ito. Wala naman diumanong nakasulat sa Bibliya na dapat magsuot ng flag. ‘Yung mga artist na gumagawa nito, kulang na lang ay arestuhin. Pero kapag pari ang gumawa nito, ibig sabihin daw ba ay ayos na?              Pero ayon sa isang Facebook user na si Kknen Cab Bits, hindi naman binabastos ang watawat ng Pilipinas ng pari. Ayon sa kanya, ang mga nasa larawan ay ang tin

Pasahero, Nagpapasalamat sa Uber Driver Dahil sa Pagligtas sa Kanyang Buhay

                        Isang Facebook user na nagngangalang Rhomer Teijei Rupisan ang nag-post sa Facebook nang kanyang pasasalamat sa Uber driver na kanyang nasakyan. Ito ay dahil sa pagliligtas sa kanyang buhay.             Sa post ni Rhomer, ikinuwento niya kung paano siya iniligtas ng Uber driver. Nag-book daw siya noong November 20 dahil masama ang kanyang pakiramdam. Iniisip niya na dahil ito sa highblood pressure.             Habang nasa sasakyan, napansin ng Uber driver na masama ang pakiramdam ni Rhomer kaya’t tinanong siya nito. Sinabi niyang magpapatingin siya sa duktor. Agad naman diumanong nag-alala sa kanya ang driver. Nagtanong pa ito kung gusto niyang lakasan ang aircon ng sasakyan. Pinatay pa nga raw ng driver ang app nito para ‘di siya ma-book ng iba at maging sanhi pa ito nang pagkaantala sa pagpunta sa ospital.             Ayon pa kay Rhomer, bago pa man sila makarating sa ospital naramdaman niyang namamanhid na ang kanyang katawan. Binuksan ng dri

Bata sa Cebu na Nabakunahan ng Dengvaxia, Naospital Dahil sa Dengue

                                          Isang batang sampung-taong gulang   sa Cebu na nabakunahan   ng Dengvaxia ang ngayon ay tinututukan matapos itong tamaan ng dengue.             Ang bata ay kasalukuyang naka-confined sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.             Ayon sa ina ng bata na si Jenny Ababo, nakaramdam ng lagnat ang kanyang anak noong nakaraang Llunes. Sinundan ito nang pagdurugo ng ilong kaya’t nagpasya na silang dalhin ang bata sa opsital.             Mayroon ding balita na ilan sa mga bata na kanilang kapitbahay sa Lawaan 3, Talisay City na nabakunahan din ng Dengvaxia ay nagkaroon din ng sakit.             Kasalukuyan diumanong minu-monitor ng mga staff ng regional E[pideomiology and Surveillance Unit of the Department of Health in Central Visayas ang kalagayan ng bata para tingnang mabuti ang kalusugan nito.             Bago pa man ang balita na ito ay isiniwalat ng VACC na mayroon ng mga bata ang namatay dahil sa dengue.

Estudyanteng Nabakunahan ng Dengvaxia, Patay Dahil Severe Dengue

                          Isang grade 5 student sa Siiman Elementary School, Mariviles, Bataan ang pinaniniwalaang namatay dahil dahil sa dengue noong Oktubre ng nakaraang taon. Nangyari ito ilang buwan ang nakalipas nang magpabakuna ito ng Dengvaxia na sinasabing kauna-kaunahang gamot sa mundo laban sa dengue.             Ang estudyante ay nagngangalang Mae De Guzman na ‘di pa naman nagkakaroon ng dengue bago mabakunahan. Pero sumakit diumano nang matindi ang ulo nito at nagkaroon ng lagnat noong Oktubre 11. Dinala ang bata sa Bataan General Hospital noong Oktubre 14, pero binawaan ng buhay noong Oktubre 15.             Ang death certificate ni Mae ay nagsasaad na ang sanhi ng kanyang kamatayan ay sanhi ng disseminated intravascular and severe dengue.             Naniniwala ang mga magulang ng bata na sina Marivic at Nelson na kaya nagkaganun ang kanilang anak ay dahil sa pagturok ng bakuna laban sa dengue. Umaasa silang makatatatanggap sila ng katarungan sa sinapit n