Tila walang katapusan ang bangayan sa kalsada. Katatapos
pa lang ng iskandalo na ginawa ni Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng
matandang taxi driver. Agad itong nasundan ng suntukan ng isang may-ari ng
kotse at ng FX driver. Pagkatapos ay may nanampal din ng driver na
nagpakilalang asawa ng taga-NBI.
Ang
bago naman ngayon, isang nagngangalang Eddie Co ang nanuntok ng tumatawid lang
sa kalsada. Makikita sa CTTV na tumatawid ang isang lalaki na siya namang
pagdating ng kotse ni Mr. Co. Hinintuan naman niya ito, pero bigla siyang
bumaba at sinapak ang lalaki sa pag-aakalang minura siya nito.
Ang
lalaki na tumawid sa kalsada at nasapak ay kinilalang si Ruben Lopez, Jr.
Ayon
kay Dara Celine Remo (pamangkin ni Ruben) na siyang nag-post ng CTTV video sa Facebook, ‘di
niya maintindihan kung bakit kailangang manapak ni Mr. Co. Sa lakas nga raw ng
sapak nito sa kanyang tito ay namaga ang mukha nito. Pati ang cellphone nito ay
kinuha pa saka binasag. Malayo naman daw ang kanyang tito sa sasakyan ni Mr. Co.
Ruben Lopez Jr. |
Ang cellphone na binasag ni Mr. Co |
Napag-alaman
nila, dati na palang na-involved sa ganito si Mr. Co sa kanilang village. Kaya’t ‘di
niya maintindihan kung ano ang mayroon sa taong ito. Kung mayroon man daw itong
personal na problema, sana ay huwag na siyang mandamay pa ng ibang tao.
May
panawagan si Dara sa mga motorista, aniya kung alam n’yo na kaiksi lang ang inyong
pasensya ay huwag na kayong magmaneho.
Fb post ni Dara Celine Remo |
Panoorin ang video: