Isang
batang sampung-taong gulang sa Cebu na
nabakunahan ng Dengvaxia ang ngayon ay tinututukan
matapos itong tamaan ng dengue.
Ang
bata ay kasalukuyang naka-confined sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa
Cebu City.
Ayon
sa ina ng bata na si Jenny Ababo, nakaramdam ng lagnat ang kanyang anak noong
nakaraang Llunes. Sinundan ito nang pagdurugo ng ilong kaya’t nagpasya na
silang dalhin ang bata sa opsital.
Mayroon
ding balita na ilan sa mga bata na kanilang kapitbahay sa Lawaan 3, Talisay
City na nabakunahan din ng Dengvaxia ay nagkaroon din ng sakit.
Kasalukuyan
diumanong minu-monitor ng mga staff ng regional E[pideomiology and Surveillance
Unit of the Department of Health in Central Visayas ang kalagayan ng bata para
tingnang mabuti ang kalusugan nito.
Bago
pa man ang balita na ito ay isiniwalat ng VACC na mayroon ng mga bata ang
namatay dahil sa dengue. Ang mga
nasabing bata diumano ay pawang nabakunahan ng sinasabing kauna-unahang gamot
sa dengue na Dengvaxia.
Nauna
nang sinabi ng kumpanya na may gawa ng Dengvaxia na ang gamot ay maaaring
makapagpalala sa mga taong ‘di pa naman tinatamaan ng dengue. Dahil dito agad
na ipinatigil ng pamahalaan ang pagbabakuna nito sa mga pampublikong paaralan.
Subali’t marami ang nababahala lalo na’t mahigit 700 libo nang mga bata ang
naturukan nang nasabing gamot.
Source: www.news.abs-cbn.com