Sa mukha nakikilala ang isang tao. Ganito rin sa pera, malalaman ang halaga ng pera hindi lang sa kulay nito kundi pati na rin sa mukha ng presidente o bayani na nakalagay dito. Pero paano kung ang pera na nakuha mo ay walang mukha?
Ganito ang karanasan ng isang babae na nagngangalang Earl Anne na nagpadala ng mga larawan sa GMA 7 kung saan ay ipinapakita niya ang mga 100 pesos na walang mukha ni Manuel Roxas. Nakuha raw niya ang faceless money mula sa ATM ng isang bangko.
Ipinagbigay alam na raw ni Earl Anne ang pangyayari sa bangko at pinapupunta siya ng management sa branch na pinagkuhanan niya ng pera.
Samantala, wala pang reaksyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa faceless money na nakuha ni Earl Anne.
Panoorin ang video: