Maaaring matanggalan ng lisensya ang babaeng nakunan ng
video na nanakit ng taxi driver. Ito ay ayon sa Land Transportation Franchising
and Regulatory Board (LTFRB).
"We
will let the LTO (Land Transportation Office) decide if [it's a] suspension or
cancellation," ito ang sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada sa text
message na ipinadala niya sa mga reporter.
Sinabi
rin ni Lizada na ang nasaktang taxi driver na si Virgilio Doctor ay nagsampa na
nang panibagong reklamo sa LTO laban kay Chrerish Sharmaine Interior. Kasama
diumano sa naturang reklamo ang pag-alis ng lisensya kay Interior.
Idinagdag
pa ni Lizada na ang ipinakitang asal ni Interior ay ‘di nararapat para
makagamit pa ng sasakyan sa kalsada. Wala na siyang karapatan na humawak pa ng
driver’s license.
Ang
pagkansela diumano sa lisensya ni Interior ay para maiwasang gawin pa niya ang
kanyang ginawa sa iba pang motorist dahil na rin sa kawalan ng kontrol ng
emosyon.
Hanggang
ngayon ay marami pa ring netizen ang galit na galit sa ginawa ni Interior sa
taxi driver kahit pa humingi na ito ng sorry sa publiko. Ayon sa mga netizen,
dapat ay maturuan ito ng leksyon at kung maaari ay makulong pa nga.
Source: Rappler