Isang Facebook user na nagngangalang Leanylyn Cuaresma Yadao
ng Marikina ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa magnanakaw na nanloob
sa kanilang bahay.
Ayon
kay Leanylyn, nakita ng kanyang kapatid ang isang lalaki na palabas sa kanialng bahay
bandang 4am. Bitbit ng lalaki ang isang cellphone at isang charger. Nang
makasalabong diumano ang lalaki ng kanyang kapatid ay bumalik ito sa loob ng
bahay.
Nang magising
na sina Leanylyn ay pumasok pa raw ng banyo ang magnanakaw at nakiligo. Habang
hinihintay nila ang pulis na kanilang tinawagan ay nasa loob pa rin ng banyo
ang lalaki. Paglabas nito ay sakto namang dumating na ang mga pulis. Wala pa raw
itong suot na t-shirt at puro tattoo ang likod nito na puro pangalan ang
nakalagay. Napag-alaaman nila na kalalaya lang pala ng lalaki sa kulungan.
Pinag-iingat
ni Leanylyn ang ating mga kakabayan lalo na’t panahon ngayon ng kapaskuhan kung
saan ay maraming masamang loob ang naglipana. Siguraduhin diumano na i-lock ang
lahat nang puwedeng daanan para ‘di mapasok ng magnanakaw.
Na-hand
over na diumano ang lalaki sa Marikina Police Station at kung sino man ang
kamag-anak o nakakakilala sa lalaki ay ipagbigay lang diumano ito sa pamilya
nito.
Basahiin ang post ni Leanylyn: