Isa
na namang babae ang pinagpipiyestahan sa social media dahil pagbi-beast mode o
pagwawala nito. Nangyari ang insidente, hindi sa gitna ng kalsada kagaya sa
viral video ni Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng taxi driver kundi sa
parking lot.
Base sa ipinaskil ng Facebook page na
Matalino Man ang Matsing na halaw mula sa amo ng driver na nagbahagi sa social media, feeling diumano
ng babae na naaagawan siya ng parking o naunahan kaya;t nagwala ito sa galit.
Pinagmumura nito at sinubihan pa ng bakla ang kanyang kaalitan na driver.
Dahil
sa nainsulto ang sinabihan, lalo
diumanong ‘di ibinigay sa kanya ang puwesto sa parking na gusto niyang
pagparadahan ng sasakyan. Sinabihan pa nito ang driver na ipahuhuli niya ito
pagkatapos ay may biglang tinawagan. Aniya sa kausap sa cellphone, “Dalhin mo dito ang tsapa, may
pahuhuli ako sa iyo.”
Nang
dumating ang tinawagan, napagkilala ito na taga-NBI. Ayon sa nag-post, kaya
pala ganun na lang kalakas ang loob na bastusin ang kanyang driver.
Pinagsu-sorry pa silang dalawa ng kanyang driver.
Kahit
may namagitan ng sekyu at pulis ay nagwala pa rin ang babae dahil nakita nito
na kinukunan siya ng amo ng driver. Sinampal niya bigla ang driver at nang
makita nitong kinukunan siya ay binato naman niya ng cellphone ang amo.