Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2017

Mahal, May Bagong Boyfriend?

            Pinag-uusapan ng mga netizen ngayon ang dating actress na si Mahal. Ito ay matapos na kumalat online ang kanyang mga larawan na may kasamang lalaki at animo’y sweet na sweet sila. Pinaniniwalaang ang lalaking kasama niya ang kanyang bagong boyfriend. Dahil dito, maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon. Sa mga wala pa raw love life, huwag mawawalan ng pag-asa dahil magkakaroon din kayo. Kung si Mahal nga pumapag-ibig, kayo pa kaya? Pero sabi naman ng iba, maaaring gimik lang ito para maging maingay muli ang pangalan ni Mahal lalo na’t wala ito na ito sa limelight. Well, kung anuman ang real score sa pagitan ni Mahal at ng lalaki ay sila lang ang may alam noon. Pero wala namang imposible sa pag-ibig, ‘di ba? Si Mahal ay ilang beses na ring naibalita dahil sa mga naging relasyon nito. Ang pinakasikat niyang naging kasintahan ay ang namayapa nang singer na si Jimboy. Pero kinalaunan ay naghiwalay din ang dalawa. Ginawan pa nga ito ng kanta ni

Xander Ford: Di Totoong Nawawala, Nagpapahinga Lang?

Screen shot mula sa video na ipinaskil ng FB page na Senyora Wala pang isang araw matapos na i-post ng Star Image Artist Management ang pagkawala ng kanilang talent na si Xander Ford ay lumitaw agad ito sa pamamagitan ng video. Ito ay naka-post sa Fb page na Senyora na parody ng character ni Senyora Santibanez sa Mexican novella na Marimar. Sa video, sinabi ni Xander na gusto lang muna niyang magpahinga sa show business dahil masyado siyang napapagod. Aniya, “Actually guys, nagpapahinga lang ako ngayon. Siguro pagod na pagod po ako. Actually, kung makikita n’yo po sa itsura ko, wala pa po akong kain.” Sinabi pa ni Xander na alam ng kanyang mga kapatid kung saan siya naroroon. ‘Di nga lang niya ito sinasabi sa kanila para ‘di siya mapuntahan. Di rin daw siya makapag-post sa kanyang social media accounts dahil wala siyang dalang cellphone. Sinabi pa ni Xander na may bago siyang plano, pero ‘di muna niya ito ibubulgar. Ia-update na lang daw niya ang kanyang fans. G

Xander Ford, Nawawala Matapos Magpunta ng Cavite

Ipinahayag ng Star Image Artist, talent agency na humahawak kay Xander Ford na nawawala ito matapos na magpunta ng Cavite noong Nov. 23. Kinailangan diumano nilang kanselahin ang mga naka-schedule na shows  dahil ‘di pa ito nagpapakita. Sa Facebook page ng taleng agency, ipinaskil nila na nakatanggap sila ng impormasyon na itinatago si Xander ng babae na nagngangalang Emz sa may Paliparan, Cavite. Ang post diumano ng agency ay nagsisilbing huling babala sa taong gustong itago si Xander sa pamilya at maging sa management nito. Maaari diumanong maharap sa asunto ang nagtatago sa kanilang talent . Larawan mula sa Star Image Artist Management Fb page Kung babasahin naman ang mga comment ng mga netizen, posible diumanong gumigimik na naman si Xander para mapag-usapan. Pero mayroon ding mga nagsasabi na ‘di ito gimik dahil mukha nga itong nawawala dahil kinailangan pa magkansela ng mga show. Sana raw ay ilabas na si Xander kung sakali ngang itinatago ito. Si Xander For

1 Million Coin Savings Challenge ng Mag-partner, Viral sa Social Media

Ang pag-iipon ng pera ay isang magandang gawain dahil magagamit mo ito sa oras ng pangangailangan o ‘di-kaya’y kapag may gusto kang bilhin. Kung malaki-laki ang naipon mo ay magagamit mo pa ito sa negosyo. Kaya naman nauuso ngayon ang ipon challenge. Mayroong ang iniipon ay tigbi-bente o sengkuwenta pesos at meron din namang pabarya-barya lang. Ang nakabibilib ay napapaabot nila ang kanilang ipon ng libu-libo. Usap-usapan ngayon sa social media ang mag-partner na sinaYona Abella at Kit Cunanan dahil nag-iipon sila ng mga barya para makaipon ng isang milyong piso. Napakahirap kung iisipin dahil sobrang daming barya ang kailangan dito bago makaipon nang nasabing halaga. Pero determinado ang mag-partner na gawin ang challenge. Makikita sa picture na ipinost sa Fb account ni Yona na bumuo pa sila ng kanyang partner ng salitang P1 M! gamit ang mga barya. Mga larawan mula sa FB account ni Yona Abella Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizen sa naturang challenge.

Maria Isabel Lopez, binabatikos ng netizens dahil sa pag-alis ng harang sa Asean lane para makadaan ang sasakyan

Larawan mula sa FB account ni Maria Isabel Lopez Mainit na pinag-uusapan sa social media ang actress at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez. Ito ay matapos niyang ipost sa Facebook ang ginawa niyang pag-alis sa divider cones sa EDSA. Hinarangan ito ng gobyerno upang maayos na makadaan ang sasakyan ng mga deligado para sa Asean Summit. Sa post, sinabi pa ni Maria Isabel na napagkamalan pa siya ng mga taga-MMDA na kasali sa mga deligado ng Asean Summit kung kaya’t malaya siyang nakadaan. Nagsipagsinuran pa nga raw sa kanya ang ilang motorist. Nag-post din siya ng video kung saan ay nagsalita siya ng “Asian lane, here I come.Be like Maria” na wari bang hinihimok din niya ang ibang mga motorista na gayahin ang ginawa niyang pagsaway. Hindi ikinatuwa ng mga netizens ang ginawa ni Maria Isabel. Ayon sa kanila, ‘di na lang sana niya ginawa, ipinagmalaki pa niya. Habang ng ibang motorista ay nagtitiyagang maipit sa daloy ng trapiko. Hayun siya’t inalis ang harang  sa ka

Xander Ford, Iniimbitahan nga ba ni Ellen DeGeneres sa kanyang TV show?

Muli na namang pinag-uusapan si Xander Ford, dating Marlou Arizala sa social media matapos kumalat ang balita na iniimbitahan siya ni Ellen DeGeneres para makapanayam sa kanyang programa sa telebisyon. Unang lumabas ang usap-usapan sa Youtube Channel na Hot Issue kung saan ay na-upload ang pahayag na nais ni Ellen na mainterbyu si Xander sa kanyang sikat na programa. Hindi naman makapaniwala ang ilang netizens lalo na ang kanyang mga basher sa balita na ang isang tulad ni Xander Ford ay pag-aaksayahan ng panahon ni Ellen. Pero suportado naman siya ng kaya mga tagahanga at excited na silang makita si Xander na iniiterbyu ni Ellen. Proud diumano sila dahil kung sakali ay isa na namang Pinoy ang maitatampok sa programa ng nasabing TV host.            Bago pa man pumutok ang tungkol sa pag-imbita diumano ni Ellen kay Xander ay may mga Pinoy nang naitampok sa kanyang programa gaya nila nina Charice Pempengco (Jake Zyruz na ngayon) Arnel Pineda, Balang at iba pa. Lahat sila

Pamilya ni Isabel Granada nanawagan sa fans na huwag kuhanan at ipakalat ang litrato nito habang nakaburol

                                                Nanawagan sa fans ang pamilya ng yumaong actress na si Isabel Granda na huwag kuhanan at ipakalat ang larawan nito habang nakaburol.      Nangyari ang panawagan, matapos na may magpakalat ng litrato ng actress sa Facebook na nakahiga sa ataul. Umani pa nga ito ng mga reaksyon na para lang diumanong natutulog ang dalaga. Sa text na ipinaabot sa GMA 7 ng kaibigan ni Isabel na si Maila Gumila na ang pagpapakalat ng ganung klaseng larawan ay kawalan ng konsiderasyon sa pamilya ng yumaong actress.      Ayon pa kay Maila, labis na nagdadalamhati ang ina ni Isabel na si Mommy Gwapa sa biglaan nitong pagkawala. Ni hindi nga nito magawang tingnan ang labi ng anak nito habang nasa loob ng kabaong. Ano na lang kaya ang mararamdaman nito kapag nakita ang kumakalat na litrato sa Facebook? Ang public viewing sa labi ni Isabel ay nagsimula noong Biyernes sa Santuario San Jose Parish sa East Greenhills, Mandaluyong City. Ang kanyang cremation nama