Sa
panahon ngayon ay usung-uso ang pakikipag-chat sa Facebook. Marami itong
magandang dulot dahil nagsisilbi itong kominukasyon. Pero minsan may
kapahamakan din itong dulot kapag ‘di nag-ingat. ‘Di akalain ng dalawang
magkaklaseng dalagita na ang simpleng pakikipag-chat at pakikipagkita nila ay
mauuwi sa kapahamakan.
Ayon
sa ulat ng GMA 7, biyernes ng gabi nang pumunta sa bahay ng isa nilang ka-chat
ang mga dalagita na edad 15 at 16. Naabutan nila roon ang dalawang lalaki na
sina Dave at Norman, kapwa dise otso na naghahalo ng alak.
Sinabi
ni SPO4 Gerardo Ellamil na magdi-jamming lang ang magkaka-chat. Maaaring
diumanong rape ang kasong kaharapin ng dalawang lalaki.
Itinanggi naman nina Dave at Norman ang
sinasabing alegasyon. Pero desidido nang magsampa ng kaso ang kampo ng mga
biktima.
Paalala
ng pulisya na mag-ingat sa pakikipag-chat lalo’t ‘di naman kilala kung sino ang
ka-chat.
Panoorin ang video: