Pinasaringan ni Sen. Antonio Trillanes IV si Davao Vice Mayor Paolo "Polong" Duterte hinggil sa pagri-resign nito sa puwesto. Sa kadahilanang nababahiran na raw ng dumi masyado ang kanyang reputasyon.
Isa sa nabanggit na dahilan ni Polong ay ang pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa pagpupuslit ng malaking halaga ng shabu sa Bureau of Custom pati na rin ang kontrobersyal na pagkakasangkot ng kanyang anak sa pagpapa-photo shoot sa loob ng Malacanang.
Ayon kay Polong, pinalaki siya ng kanyang mga magulang na mayroong prinsipyo at delicadeza. Kaya't minabuti niyang magbitiw na lang sa puwesto para protektahan ang dignidad ng pamilya pati na rin ang kanyang mga anak. Pero 'di niya inaaalis na balang araw ay makababalik uli siya sa pulitika para makapagsilbing muli sa bayan.
Pero 'di naniniwala si Sen. Trillaness sa rason ni Polong kung bakit ito nagbitiw sa puwesto. Ayon sa senador, "Delicadeza, seriosly? Pinatulan nga anak niya publicly sa Facebook, tapos delicadiza? Besides, he has already been cleared months ago by Gordon's committee de abswelto. So, that's pure BS."
Idinagdag pa ni Sen. Trillanes na posibleng iniiwasan lang ni Polong ang isinasagawang mga imbistigasyon sa kanya ng Ombudsman. At para na rin makapag-focus ito sa multi-billion peso businesses nito.
Sa ngayon ay walang pang sagot si Polong sa birada sa kanya ng senador.