Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2016

Mark Anthony Fernandez, Arestado Dahil sa Iligal na Droga

Kasalukuyang nakaditene sa Station 6 ng Angeles City Police ang dating matinee idol na si Mark Anthony Fernandez, anak nang yumaong si Rudy Fernandez at ng actress-politician na si Alma Moreno matapos itong mahulian ng marijuana. Ayon kay Chief Inspector Francisco Guevarra, Jr. na tinangkang lusutan ng aktor ang check point bandang 8:30 ng gabi noobg Oktubre 3. Dahil dito ay hinabol ng mga pulis ang sasakyan nito at kinailangan pang paputukan ang gulong ng kotse para lang tumigil ito sa ginagawang pagtakas. Nakitaan ng mga pulis si Fernandez sa kanyang sasakyan ng isang kilo ng marijuana na may katumbas na halagang labing limang libong piso. Ayon sa aktor, ang nasamsam na marijuana diumano ay isang taon na niyang supply. Ginagamit niya ito para magsilbing panlaban sa kanser. Hindi na bago ang isyu nang pagkakasangkot sa droga ni Fernanderz. Noong 2014 ay boluntaryo na siyang nagpa- confine sa Bicutan Rehabilatiob Center. Source: abscbn.com

Pagsasabatas ng Same Sex Marriage ni Alvarez, Umani ng Iba't Ibang Reaksyon

   Kamakailan ay ipinahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na plano niyang maghain ng batas na magsasa-legal ng Same Sex Marriage. Layunin ng batas na ito ang pagkakaroon ng respeto sa karapatan sa mga kasapi ng LGBT.        Ayon sa mambabatas, nakasaad sa Kontitusyon na karapatan ng bawat Pilipino na maging maligaya kaya't bakit naman ito kailangang ipagkait sa kanila?         Idinagdag pa ni Alvarez na ' di siya nakikialam sa ginagawang pagpapakasal ng simbahan. Kung ayaw nila sa ganitong uri ng kasal ay ayos lang sa kanya. Ang importante ay ginagarintayahan ito sa ilalim ng civil law.         Bagama't plano pa lang ni Alvarez ang paghahain ng Same Sex Marriage bill ay umani agad ito ng negatibong reaksyon. Ayon sa mga netizens, inirirespeto nila ang karapatan ng mga LGBT, pero hindi tama ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian dahil taliwas ito sa mata ng Diyos at ng lipunan. Nakalagay diumano sa Bibliya na ang pakikipagtalik sa lalaki sa lalaki o babae sa

Dyoga Girl, Humingi ng Sorry sa Kanyang Mga Nasaktan!

                                  Humingi na ng sorry ang internet sensation star na si Kaysee Gregorio o mas kilala bilang 'Dyoga Girl' sa mga tao na nasaktan dahil sa bago niyang video. Matatandaang nag-post ito ng kanyang spoof ng viral song na Pen Pineapple Pen ng Japanese comedian na si Piko-Taro.        Sa bersiyon ni Dyoga ay ginawa niya itong Dyoga pen at Flower Pen habang tila itunutusok ang ballpen sa maseselang parte ng kanyang katawan. Dahil dito, umani siya nang pambabatikos mula sa mga netizen lalo na ng mga kababaihan. Ayon sa kanila ay hindi magandang tingnan ang kanyang ginawa dahil nakasisira ito ng imahe ng kababaihan.     Ipinaliwanag ni Dyoga Girl na character lamang si 'Dyoga Girl' at malayo sa tunay niyang katauhan. Siya raw ay isang simpleng mamamayan sa Amerika na mayroong dalawang disenteng trabaho. Siya raw ang tipo ng babae na trabaho-bahay lang ang tinitigilan. Inamin niyang nagkamali siya sa kanyang ginawa kung kaya't humihingi siy