Kung isa kang babae at may estrangherong lalaki na nasa
kotse at biglang huminto sa tapat mo pagkatapos ay aalukin kang sumakay, papayag
ka ba? Nagmamagandang loob lang ba ang nag-aalok ng libreng sakay o iba ang
motibo nito? Sa ibang bansa, uso ang hitchhiking kahit ‘di mo kakilala. Pero
dito sa Pilipinas, hindi ka basta makikisakay sa sasakyan nang ‘di mo naman
kakilala.
Isang
lalaki ang nag-viral sa social media matapos na alukin nito ng sakay ang isang
18-anyos na babae. Tinagurian siyang ‘kilabot ng senior high’ ng nag-post na
Facebook user na si CA Santos. Pilit raw
kasing pinasasakay ng lalaki ang kanyang kapatid sa kotse nito kahit na tinanggihan na ito. Hindi naman daw pokpok ang kanyang kapatid na nakita lang sa kalsada ay
isasama na lang nito basta. Nagmamakaawa pa raw ang lalaki na ihatid ng lalaki
ang kanyang kapatid.
Binalaan
ni Santos ang mga magulang na may anak na babae na mag-ingat sa lalaking ganito
ang istilo para di mabiktima.
Base
naman sa mga komento ng netizen, manyakis daw ang lalaki at huwag sasakay kapag
huminto sa tapat ng sinumang babae. May nagpapalagay din nab aka gold digger
prank lang ito kagaya nang ginagawa sa ibang bansa kung saan sinusubukan kung
sinusubukan kung kakagat ang isang babae sa ipinapakitang karangyaan ng
lalaking nakakotse.
Panoorin ang video: