Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2017

Miss Universe Iris Mittenaere, Hindi Raw Lesbian

Itinanggi ng bagong hirang na Miss Universe na Iris Mittenaere ang kumakalat na bali-balita na siya ay isang lesbian. Katunayan ay mayroon siyang boyfriend at masaya ang kanilang relasyon. Nagsimula ang tsismis nang may mga litrato na kumalat na may kasa-kasamang babae si Iris na kung titingnan ay super close sila. Sinabi ni Iris na bestfriend niya ito at hindi girlfriend. Ayon sa tagasubaybay ng pageant kung nagkataon, si Iris ang kauna-unahang lesbian na nanalo ng Miss Universe.

Cesar Montano, Binira ng Anak na si Diego Loyzaga sa Instagram Post

Naglabas ng hinananakit ang batang aktor na si Diego Loyzaga, anak ni Cesar Montano sa aktres na Teresa Loyzaga. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang mga post sa Instagram. Tinawag ng batang aktor ang kanyang ama na hipokrito, duwag at walang isang salita o di marunong tumupad sa pangako. Naghihinanakit si Diego dahil limang beses na diumano siyang ipina-drug test ng kanyang ama at laging negatibo ang resulta. Pero sa kabila nito ay adik pa rin diumano siya sa paningin ng ama. Kaya't tinatanong niya si Cesar kung anak nga ba talaga nito?Iginiit pa ni Diego na magaling lang magmalinis si Cesar pero di naman nito maipagtanggol ang anak. Nagbigay din ng reaksyon si Diego sa post ng ama na nagsasabi na binayaran na nito ang tuiton fee ng tatlong mga anak nito kay Sunshine Cruz. Ayon kay Diego, natural lang naman ito dahil obligasyon ng isang ama ito sa kanyang mga anak. Pero nasaan na raw ang pangako ni Cesar sa kanya? Tila nagpapahiwatig na ito ay tungkol sa pagpapaaaral sa kanya ng

URCC, Gustong Paglabanin Sina Sen. Migz Zuburi at Sen. Antonio Trillanes

                           Nag-alok si Alvin Aguilar, presidente ng United Reality Combat Championship (URCC) na sponsoran ang bakbakan nina Sen. Migz Zubiri at Sen. Antonio Trillanes. Ito ay kung kanila lamang gugustuhin. Kahit sa susunod na buwan ay maaari na itong gawin. Match na match daw ang dalawa dahil si Sen. Zubiri ay world champion ng arnis habang si Sen. Trillanes naman ay may military training.         Umani nang iba-ibang reaksyon ang alok ng URCC president, sabi ng ibang netizens umiepal lang daw ito. Nagkaayos na naman ang dalawang senador kaya't bakit kailangan pang pagsabungin? Gusto lang daw ito pagkaperahan ng grupo ni Aguilar gaya nang ginawa nila sa laban nina Baron Gaisler at Kiko Martos na scripted naman pala. Samantalang ang iba naman ay humihiling na sana nga ay pumayag ang dalawang senador na maglaban. Kapag nagkataon malalaman kung sino ang tunay na tigisin ang Bisaya ba na si Sen. Zubiri o ang tubong Bicol o Oragon na si Sen. Trillanes?          Mat