Isang
Facebook user na nagngangalang Rhomer Teijei Rupisan ang nag-post sa Facebook
nang kanyang pasasalamat sa Uber driver na kanyang nasakyan. Ito ay dahil sa
pagliligtas sa kanyang buhay.
Sa
post ni Rhomer, ikinuwento niya kung paano siya iniligtas ng Uber driver.
Nag-book daw siya noong November 20 dahil masama ang kanyang pakiramdam.
Iniisip niya na dahil ito sa highblood pressure.
Habang
nasa sasakyan, napansin ng Uber driver na masama ang pakiramdam ni Rhomer kaya’t
tinanong siya nito. Sinabi niyang magpapatingin siya sa duktor. Agad naman
diumanong nag-alala sa kanya ang driver. Nagtanong pa ito kung gusto niyang
lakasan ang aircon ng sasakyan. Pinatay pa nga raw ng driver ang app nito para ‘di
siya ma-book ng iba at maging sanhi pa ito nang pagkaantala sa pagpunta sa
ospital.
Ayon
pa kay Rhomer, bago pa man sila makarating sa ospital naramdaman niyang
namamanhid na ang kanyang katawan. Binuksan ng driver ang bintana at
nagpa-assist pa sa traffic enforcers para mapadali ang pagpunta nila sa ospital.
Nang makarating sa ospital, nahirapang maglakad si Rhomer. Ang huli niyang
naaalala bago siya mawalan ng malay ay bumaba pa ng kotse ang driver para humingi
ng tulong sa ER.
Nang
magising diumano si Rhomer ay sinusuri ng mga nurse at duktor ang kanyang
kalagayan. Sinabi ng duktor na hindi highblood pressure ang kanyang naramdaman
kundi posible na ito ay atake sa puso. Kinabukasan ng umaga ay nakalabas siya
ng ospital matapos ang ilang treatment at laboratory test na ginawa sa kanya.
Sabi
ni Rhomer, “For my Uber driver Kuya “Nelson”,
I don’t know how to show you my gratitude for saving my life. You kept your
cool during this emergency to keep us both safe and to make me relaxed. No
words can explain how grateful I am. God bless you and your family forever!”