Pinoy Blog Watch

An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.

Powered by Blogger.

Featured Posts

Sports

Monday, October 3, 2016

Mark Anthony Fernandez, Arestado Dahil sa Iligal na Droga

No comments :
Kasalukuyang nakaditene sa Station 6 ng Angeles City Police ang dating matinee idol na si Mark Anthony Fernandez, anak nang yumaong si Rudy Fernandez at ng actress-politician na si Alma Moreno matapos itong mahulian ng marijuana.

Ayon kay Chief Inspector Francisco Guevarra, Jr. na tinangkang lusutan ng aktor ang check point bandang 8:30 ng gabi noobg Oktubre 3. Dahil dito ay hinabol ng mga pulis ang sasakyan nito at kinailangan pang paputukan ang gulong ng kotse para lang tumigil ito sa ginagawang pagtakas.

Nakitaan ng mga pulis si Fernandez sa kanyang sasakyan ng isang kilo ng marijuana na may katumbas na halagang labing limang libong piso.

Ayon sa aktor, ang nasamsam na marijuana diumano ay isang taon na niyang supply. Ginagamit niya ito para magsilbing panlaban sa kanser.

Hindi na bago ang isyu nang pagkakasangkot sa droga ni Fernanderz. Noong 2014 ay boluntaryo na siyang nagpa- confine sa Bicutan Rehabilatiob Center.

Source: abscbn.com

Pagsasabatas ng Same Sex Marriage ni Alvarez, Umani ng Iba't Ibang Reaksyon

No comments :

   Kamakailan ay ipinahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na plano niyang maghain ng batas na magsasa-legal ng Same Sex Marriage. Layunin ng batas na ito ang pagkakaroon ng respeto sa karapatan sa mga kasapi ng LGBT.

       Ayon sa mambabatas, nakasaad sa Kontitusyon na karapatan ng bawat Pilipino na maging maligaya kaya't bakit naman ito kailangang ipagkait sa kanila?

        Idinagdag pa ni Alvarez na ' di siya nakikialam sa ginagawang pagpapakasal ng simbahan. Kung ayaw nila sa ganitong uri ng kasal ay ayos lang sa kanya. Ang importante ay ginagarintayahan ito sa ilalim ng civil law.

        Bagama't plano pa lang ni Alvarez ang paghahain ng Same Sex Marriage bill ay umani agad ito ng negatibong reaksyon. Ayon sa mga netizens, inirirespeto nila ang karapatan ng mga LGBT, pero hindi tama ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian dahil taliwas ito sa mata ng Diyos at ng lipunan. Nakalagay diumano sa Bibliya na ang pakikipagtalik sa lalaki sa lalaki o babae sa babae ang naging sanhi kung bakit winasak ng Diyos ang bayan ng Sodom at Gomora.

          Kung mayroon mang tumututol, mayroon din namang natutuwa lalo na ang mga miembro ng LGBT dahil kapag nagkataon diumano ay matutupad na ang kanilang pangarap na maikasal ng legal sa kanilang mga partner. Maisasaayos din ang pagkakaroon nila ng conjugal property, pagmamana at iba pa.


Sunday, October 2, 2016

Dyoga Girl, Humingi ng Sorry sa Kanyang Mga Nasaktan!

No comments :
                           
      Humingi na ng sorry ang internet sensation star na si Kaysee Gregorio o mas kilala bilang 'Dyoga Girl' sa mga tao na nasaktan dahil sa bago niyang video. Matatandaang nag-post ito ng kanyang spoof ng viral song na Pen Pineapple Pen ng Japanese comedian na si Piko-Taro.

       Sa bersiyon ni Dyoga ay ginawa niya itong Dyoga pen at Flower Pen habang tila itunutusok ang ballpen sa maseselang parte ng kanyang katawan. Dahil dito, umani siya nang pambabatikos mula sa mga netizen lalo na ng mga kababaihan. Ayon sa kanila ay hindi magandang tingnan ang kanyang ginawa dahil nakasisira ito ng imahe ng kababaihan.

    Ipinaliwanag ni Dyoga Girl na character lamang si 'Dyoga Girl' at malayo sa tunay niyang katauhan. Siya raw ay isang simpleng mamamayan sa Amerika na mayroong dalawang disenteng trabaho. Siya raw ang tipo ng babae na trabaho-bahay lang ang tinitigilan. Inamin niyang nagkamali siya sa kanyang ginawa kung kaya't humihingi siya ng paumanhin. Kung anuman ang mga krisismo na ibinabato sa kanya ng mga netizen ay tinatanggap niya ito. Wala naman daw siyang ibang hangad kundi ang makapag-entertain sa mga tao.

     Napagpaspasyahan na rin ng dalaga na ititigil na niya ang kanyang pagiging 'Dyoga Girl'. Pero asahan na ng kanyang mga follower na lilikha siya ng bagong character na malayo sa imahe ni 'Dyoga Girl'.

WATCH THE VIDEO HERE:

Wednesday, June 15, 2016

Chief Justice Sereno kay Duterte: Hindi Basta Maibabalik ang Death Penalty

No comments :
  Pinaalalahanan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno si presumptive-elect President Rodrigo Duterte na maghinay-hinay lang sa plano nitong pagpapanumbalik sa death penalty. Hindi niya ito puwedeng ipatupad nang basta-basta dahil nangangailangan ito ng aksyon ng Kongreso.

Ito ang naging reaksyon ni Sereno hinggil sa sinabi ni Duterte na plano nitong ipatupad ang death penalty sa mga henious crimes gaya ng rape, robbery atbp. Kung mangyari ito, nakikita raw ni Duterte na nasa limampung kriminal ang bibitayin kada-buwan.

Ayon kay Sereno, kailangang maging makatotohanan si Duterte sa kanyang plano. Dapat muna nitong pag-aralan kung paano tumatakbo ang legislative process bago nito ipatupad ang pagpapanumbalik ng death penalty sa pamamagitan ng pagbitay.

Sa kabilang banda, tiwala ang mga kaalyado ni Duterte na magagawa niya ang pagbabagong nais nitong mangyari sa bansa kabilang na rito ang pagpapanumbalik ng death penalty. Sa ngayon daw kasi ay sila na ang super majority sa Kongreso. Sa 290 miembro ng House of Representatives ay nasa 200 na ang kakampi ni Duterte. Samantalang sa 24 na mga senador ay 17 na ang nagpahiwatig ng pagsuporta sa bagong uupong administrasyon sa Hunyo 30.
Source: gmanetwork.com

Tuesday, June 14, 2016

Baron Geisler Versus Kiko Matos sa URCC, Tuloy na Tuloy na!

No comments :

Sa wakas ay nagkaharap na uli sina Barron Geisler at Kiko Matos. Ito ay matapos silang magkita sa opisina ng MMA Philippines para pag-usapan ang kanilang nakatakdang laban.

Sa larawan na ipinost sa kanilang social media ay makikitang nakatawa pa si Baron kay Kiko. Ayon sa taga-MMA, sinabihan pa diumano ni Baron si Kiko na 'Mahal kita pero di kita bati'. Bago nito ay nauna nang sinabi ni Baron sa katunggali na 'Mahal kita, pero bibigwasan kita. Isa lang...' Ginawan pa nga ito ng meme ng ilang netizen.

Matatandaang nagkainitan sina Baron at Kiko sa isang chariry concery para sa isa nilang kaibigan. Gumawa diumano ng eksena roon si Baron sa pamamagitan ng pagsingit ng kanta sa bandang tumutugtog. Ikainis ito ni Kiko. Gusto niya raw subukan ang tigas ni Baron kung kaya't nagawa niya itong saktan nang inaawat na sila.

Pagkatapos ng gulo ay nagkahamunan pa ng suntukan ang dalawa na pinadaan nila sa media. Nagkainteres naman ang MMA sa kanila at kapwa sila pumayag na magharap sa ring. Nabalitang nagpaturo pa si Baron sa kanyang kapatid na isang black belter.

Ikaw, excited ka na ba sa Geisler Versus Matos? Abangan ang susunod na kabanata!




Orlando Mass Shootout, Nahulaan Nang Mangyayari?

No comments :

Pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ang post ng isang Facebook user na nagngangalang Pablo Reyes dahil sa kontrobersyal nitong pahayag noong  December 2015.

Nahulaan diumano ni Reyes angpagkamatay nang malalaking personalidad gaya nina Muhamad Ali, Kimbo Slice, Prince at pati na rin ang pagkakaroon ng mass shootout sa Amerika na maiiugnay sa katatapos lang na walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa isang bar sa Orlando, Florida kung saan ay nasa limampung katao ang namatay na ang karamihan ay mga miembro ng LGBT.

Kabilang din sa prediksyon ni Reyes ay magkakaroon nang kauna-unahang babaeng presidente ang Amerika sa katauhan ni Hilary Clinton. Samantalang papanaw diumano ang katunggali nitong si Donald Trump.

  Umani ng iba't ibang reaksyon ang mga nakabasa sa naging post ni Reyes. Mayroong mga naniniwala sa kanya. Mayroon din namang mga nagpahayag na ito ay isang lamang hoax dahil edited lang diumano ang post na ito ni Reyes. Anila'y nagpapapansin lang ang taong ito. Malabo siyang maging Nostradasdamus ng bagong panahon.

Ang orihinal at edited diumano na post ni Pablo Reyes

Saturday, June 11, 2016

Bongbong Marcos, Handang Tumanggap ng Posisyon sa Gabinete ni Duterte

No comments :

Sinabi ni Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa harap ng mga media nitong Sabado ng umaga na handa siyang tumanggap ng posisyon sa gabinete ni President-elect Rodrigo Duterte kung sakali mang alukin siya nito.

Sa ngayon ay hindi pa puwedeng tumanggap ng anumang posisyon sa gobyerno si Marcos. Kailangan muna niyang maghintay ng isang taon bago ito gawin gaya nang isinasaad sa batas.

Ayon kay Marcos, wala pa naman silang anumang napapag-usapan ni Duterte hinggil sa ibibigay sa kanya nito na posisyon. Personal lang niya diumanong binati ang nagwaging president nang huli silang magkita sa After Dark Bar sa Davao City noong Biyernes ng gabi.

Natutuwa si Marcos sa naging pahayag ni Duterte na hindi niya bibigyan ng posisyon si Leni Robredo sa kanyang gabinete dahil ayaw nitong masaktan si Marcos. Pinapasalamatan niya si Duterte dahil sa pagpapahalaga nito sa kanilang pagkakaibigan.

Nariyan lang naman daw lagi si Marcos para kay Duterte, handa itong makipagtulungan sa bagong administrasyon sa anumang paraan kahit pagbibigay lang ng 'friendly advice.'
(Source: abscbn.com)