Isang grade 5 student sa Siiman Elementary School, Mariviles,
Bataan ang pinaniniwalaang namatay dahil dahil sa dengue noong Oktubre ng
nakaraang taon. Nangyari ito ilang buwan ang nakalipas nang magpabakuna ito ng
Dengvaxia na sinasabing kauna-kaunahang gamot sa mundo laban sa dengue.
Ang
estudyante ay nagngangalang Mae De Guzman na ‘di pa naman nagkakaroon ng dengue
bago mabakunahan. Pero sumakit diumano nang matindi ang ulo nito at nagkaroon
ng lagnat noong Oktubre 11. Dinala ang bata sa Bataan General Hospital noong
Oktubre 14, pero binawaan ng buhay noong Oktubre 15.
Ang
death certificate ni Mae ay nagsasaad na ang sanhi ng kanyang kamatayan ay
sanhi ng disseminated intravascular and severe dengue.
Naniniwala
ang mga magulang ng bata na sina Marivic at Nelson na kaya nagkaganun ang
kanilang anak ay dahil sa pagturok ng bakuna laban sa dengue. Umaasa silang
makatatatanggap sila ng katarungan sa sinapit ng kanilang anak. Lalo na’t
inamin ng Sanofari Pasteur na ang kanilang gamot ay posibleng makapagpalala sa
mga taong ‘di pa naman tinatamaan ng dengue.
Panoorin ang video: