Skip to main content

Babaeng Nanampal ng Matandang Taxi Driver, Humingi ng Sorry

               
       Nag-viral ang call center agent na si Cherish Sharmaine Interior matapo na makuhanan siya ng video na sinisigawan at sinasampal ang isang matandang taxi driver.Mabilis itong kumalat sa social media matapos itong maupload ng isang netizen. Dahil sa ginawa ni Cherish ay maraming nagalit at nagkundena sa ginawa niya.

Nagsalita na si Cherish at humihingi siya ng tawad sa kanyang nagawa. Ipinaliwanag niya na ‘di siya ang gumawa ng Facebook page na nakapangalan sa kanya. Hindi diumano  siya tanga para gumawa ng fan page at ipaglalagay ang picture niya at ng kanyang boyfriend. Idinagdag pa niya na handa siyang tanggapin ng pambaba-bash ng mga tao, pero sana lang ay huwag idamay ang mga tao na may kagaya ng kanyang apelyido.

       Basahin ang post ni Cherish:

       "Somebody reported my spare facebook account and copied my apology on their Facebook page. This is Cherish Sharmaine Interior. I repeat, I have no Facebook page. I’m not that dumb to create a fanpage, post the pictures of myself and my boyfriend, then post more hurting messages pa to add insult to injury or to make you hate me even more. I have published an apology which was copied by that Facebook page but the truth still remains: I AM SORRY. Spare my relatives, my office, and my workmates. Someone tagged the name of the company I work in and commented on some of the posts there. Please leave them alone. And please, those people who also have the Interior surname and who you guys are bullying, are not in anyway related to me. If you want to bash me, I am willing to accept that. Just leave the innocent people alone. I am doing things to make up for my mistake, trying to reach out to manong taxi driver. I am facing an imminent termination and possibly blacklisting in other companies, and I hope you guys are happy. I do not know if I will land on any other job - rendering the effort, time and money we spent in school useless. I do not know how to stand up and get myself together after this. I believe I deserve it, but please accept my apologies."



Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Toni Fowler at Rob Moya, Namigay ng 5 Libo sa Mga Tao

Mula sa Mommy Toni Fowler YT Channel Namigay ng pera sina Toni Fowler at Rob Moya sa mga tao na pawang nakita lang nila sa daanan. Namigay sila ng tag-limang libo, isang libo at limang daan. Mari-rami ring nabigyan ang dalawa at talaga namang tuwang-tuwa ang mga nakatanggap. Mayroon pang nagtatalon sa tuwa matapos makatanggap ng limang libo na katumbas na ng Social Amelioration Program ng DSWD. Ilan sa mga masuwerteng naambunan ng biyaya ay mga vendor, pulis, barangay workers, tricecyle driver atbp pa. Hindi ito ang pagsunod sa nauuso ngayon na Mayaman Challenge ni Francis Leo Marcos. Ayon kina Toni, ginagawa nila ito para ibalik sa mga tao ang mga biyayang natatanggap nila sa kasalukuyan. Sa ngayon, mayroon ng 2 million subscribers sa kanilang Youtube Channel. Simula nang mag-vlog si Toni kasama si Rob ay inulan na sila ng suwerte. Sinabi ni Toni na nahirapan silang mamigay ng pera dahil konti lang ang mga taong nasa kalsada dahil na rin sa enhance community quarantine....