Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2017

Viral: Biker, Inirireklamo ng Isang Babaeng Pasahero ng Bus Dahil sa Pambabastos?

Marami na tayong nabalitaan na kuwento ng mga babae sa social media na naka-encounter sila nang pambabastos o pangma-manyak habang sila ay nakasakay sa pambulikong sasakyan. Hindi rin nalalayo ang kuwento rito ng isang Facebook user na si Keesh Ylagan. Pinag-uusapan ngayon ang kanyang shot out hinggil sa kanyang pangit na karanasan sa isang biker na nagngangalang Elesse Sanding. Ayon kay Keesh, sakay siya noon sa isang bus kung saan nakaupo siya sa tabi ng bintana. Nang tumigil ang kanyang sinasakyan ay siya namang pagdaan ng isang biker sabay nito sa kanya. Dahil sa kanyang inis ay inabangan niya ang biker sa Mcdo para komprontahin sa ginawa nitong panghahawak sa kanya. Aniya, “Tinanong ko kung tigang sya, HINDI daw. HINDI daw sya manyak. HINDI daw sya nanchansing. WOW. Ano tawag mo dun tsong?!” Tinanong niya rin ang biker kung bakit kailangan niya pang humwak sa bus, sumagot ang biker na ganun naman daw talaga ang kanilang gawain. Dahil sa ‘di nagustuhan ni Keesh ang sagot

Guro na Nanlait sa Isang Igorot, Binabatikos sa Social Media!

Kamakailan lang ay mainit na pinag-usapan sa social media ang ‘di pagpapasakay ng isang bus sa isang lalaki na nakasuot ng pang-Igorot. Heto at muli na namang binuhay ang usapan ng isang nagngangalang Daisybagasala Ramoso. Sa kanyang Facebook page, nag-post siya ng larawan na kapareho rin nang nag-viral na Igorot. Nag-komento siya nang “Malaswa kasi tingnan kaya dapat magsoot ng tama hindi pangbondok”. Dahil dito ay uminit ang ulo ng maraming netizens na nakabasa sa naturang post. Ayon sa mga nag-komento sa post ni Daisy, maling-mali ang kanyang sinabi. Ang kanyang ipinapakita ay isang uri ng diskriminasyon laban sa mga Igorot. Hindi diumano malaswa ang suot ng Manong dahil ang pagsusuot ng bahag ay parte na ng kanilang kultura. Namana pa nila ito mula sa kanilang mga ninuno. Karaniwan na naman ang pagsusuot ng ganito ng ibang Igorot kapag sila ay nasa kanilang lugar. Ipinapayo tuloy ng iba, na mag-aral muli ng kasaysayan si Daisy. Naturingan daw itong guro pero ganito ang kan

Viral: Lalaking Proud sa Kanyang Pag-ibig sa Isang Single Mother, Puring-Puri ng Netizens!

Photo credit: Kimark Puring-puri ngayon ang isang Facebook user na si Kimark dahil sa kanyang pinost hinggil sa kanyang pag-ibig sa kanyang asawa na isang single mom. Proud niyang ibinahagi sa social media ang kanyang litrato kasama ang kanyang asawa at dalawang anak nito sa dati nitong karelasyon. Binigyang payo ni Kimark  ang kalalakihan na huwag magdadalawang-isio na magmahal ng isang babaeng may anak na. Sinabi niya na hindi man sa iyo nanggaling ang bata ay maaari namang  maging dahilan ka para lumaki itong isang mabuting tao. Hindi naman daw kinakailangan na maging kadugo mo ang bata para panindigan mo ito. Dapat ay tumbasan mo rin kung anuman ang ibinbigay na pagmamahal nito ng kanyang ina. Kumbaga, maging ka para sa mga bata. Dapayt nga raw ay maging proud ka kung single mother man ang iyong nakarelasyon dahil ‘di nila pinababayaan ang kanilang anak. O, kaya r’yan sa mga may pagtingin sa mga single mother, huwag nang magdalawang isip na ipahayag ang nararamdama

Babae, Kritikal Matapos Pukpukin ng Bato sa Ulo Noong Alay-Lakad

Photo credit: Rena Morales Isang babae na nagngangalang Namie Morales ang kritikal ngayon at nasa ICU matapos pukpukin ng bato sa ulo habang ito ay nag-aalay lakad papuntang simbahan ng Antipolo. Base sa Facebook post ni Rena Morales na pinsan ng biktima, nasa Masinag na sila noon nang may makaaway silang grupo ng kalalakihan. Wala diumanong mahampas ang kanilang mga nakaaway kaya't si Namie ang napagbalingan ng mga ito. Katatapos lang diumanong operahan si Namie at mayroon itong namumuong dugo malapit sa kanyang utak. Kinakailangan ng 100 thousand pesos para sa gastusin sa ospital. Nagpapasalamat ang pinsan ng biktima sa mga tumutulong sa kanila sa pangangalap nang nasabing halaga. Sa ngayon, wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek. Pero nangako ang pinsan ng biktima na 'di lang ito dito nagtatapos. Samantala, nakakuha ng simpatya si Namie sa kanyang sinapit mula sa mga netizen. Anila ay napakawalang puso ng mga gumawa nito. Babae pa talaga ang kanilang pinuntirya

Paolo Ballesteros, Lumadlad na!

Marami ang nagulat nang ilantad ni Paolo Ballesteros ang tunay niyang kasarian na siya pala ay kasapi ng third sex. Ito ay matapos niyang mag-post ng picture sa Instagram na mayroon siyang ka-holding hands at parehong silang may suot na singsing. May nakasulat pang 2nd I Love You sa nasabing picture na waring tumutukoy sa kanilang 2nd anniversary. Ang nasabing larawan ay naka-tag kay Roland Ochoa Anog na miembro ng dance group na G-Force. Ipinost din ni Anog ang kaparehong larawan sa kanyang Facebook account. Si Paolo ay nakilala sa Eat Bulaga at lalo siyang sumikat dahil sa kanyang make up transformation. Dahil sa pagkahilig sa make up ay may mga nag-iisip na kasapi siya ng third sex. Kaya pala ang galing niyang gumanap na bading dahil totoo talaga ito. Pero meron din namang naniniwala na napagtripan lang niya ito. Hindi porke't nagmi-make up siya ay bading agad. Eh, mayroon nga raw siyang anak sa dati niyang karelasyon? Sabi naman ng ilang fans ni Paolo na kung saa

Viral: Lalaki na Nag-dirty Finger sa Rebulto ni Virgin Mary, Binabatikos!

Photo Credit: Danified Panahon ng Semana Santa, panahon din ng pagtitika. Sa mga naniniwala, ang panahon na ito ay sagrado dahil panahon ito ng para gunitain ang sakripisyong ginawa ng Panginoong Hesus noong siya ay narito pa sa lupa. Pero may iba, sa halip na makiisa o makisimpatya man lang ay gumagawa ng eksena. Gaya na lang ng isang lalaki na nakuhanan ng larawan habang naka-dirty finger kay Mama Mary. Sa mga Katoliko, si Mama Mary o Virgin Mary ay isang mahalagang personalidad dahil ito ang naging ina ni Hesus sa lupa. Ang kanyang rebulto ay kanilang iginagalang at di basta isang palamuti lang. Ang nasabing gawi ng lalaki na nasa larawan ay umani ng iba't ibang reaksyon mapa-Katoliko man o hindi. Anila di katanggap-tanggap ang ginawa ng lalaki. Kung di man siya naniniwala kay Mama Mary, sana ay inirespeto niya ang paniniwala ng iba. Para kasing binastos na rin niya ang lahat ng Katoliko sa buong mundo. Kung tutuusin, hindi na rin bago ang ganitong senaryo, ang iba p

Babaeng Naka-tuwalya Lang Habang Bumibili sa McDo, Usap-usapan sa Social Media

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng isang babae na naka-pajama at nakatakip lang ng tuwalya ang pang-itaas na bahagi ng katawan habang bumibili sa Mc Donnald. Para bang ito ay nasa loob lang ng kanyang bahay. Ang naturang mga larawan ay ipinost ng Facebook user na si Vel Bernal at mabilis itong kumalat at pumukaw sa atensyon ng mga netizen. Naging sentro ng katuwaan ang babaeng naka-tuwalya lang. Ayon sa ilang nag-comment, kung kaya lang din daw ng kanilang katawan ay gagayahin din nila ang babae. May nagsabi naman na baka ganito na ang fashion trend ngayon. May nagpapalagay din na wala sa katinuan ang babae. Pero may nagsabi rin ba baka naiinitan lang ang babae lalo na't summer ngayon. Kung may mga nangangantyaw at negatibong komento, meron din namang mha nagtatanggol. Anila wala silang pakialam kung anuman ang gustong suotin ng babae. Baka malapit lang ang bahay nito sa fastfood chain. Kaya't huwag basta-basta manghusga dahil di naman kilala ang tao.

Triplets, Nagtapos ng Top 3 sa Junior High School

Photo credit: Mary Joy Pascua Marami ang humahanga sa Pascua Family ng Isabela matapos mapasama sa top 3 ang triplets na magkakapatid. Sila ay 16-taong gulang at nagtapos ng junior high school sa Nagullian National High School. Nasungkit ni Ma. Dianah Terece ang pagiging first honor habang ang dalawa pa niyang kapatid na sina Ma Dianah Florence at Ma. Dianah Joyce ay second at third honor naman. Sa panayam ng Abs-Cbn, sinabi ng ina ng triplets na si Mary Joy Pascua na simula pa lang kinder ay naglalaban-laban na ang kanyang mga anak sa pagiging top 3. Sinabi naman ng magkakapatid na focus lang sila sa pag-aaral. Pero nagtutulungan din naman sila kapag mahirap ang assignments. Pangarap diumano ng triplets na maging abogado gaya ng kanilang ama na isang hukom. Balak nila na sa Maynila na ipagpatuloy ang Senior High School. Source: abs-cbn

Doctor na Walang Ulo sa Picture, Viral sa Internet!

Viral ngayon ang larawan ng isang doctor ng walang ulo. Lumikha ng ingay ang nasabing larawan nang ito ay i-post ng isang Facebook user na nagngangalang Leslie Ursabia. Ayon sa caption ni Ursabia, "Ano'ng gagawin mo pag ganito ang nakita mo while at the ER at 12mn? Magpapa ospital ka pa ba?" Maraming netizen ang nawindang sa post ni Ursabia at nag-comment pa ang mga ito na sana ay sinabihan niya ang doctor na baligtarin ang suot niyang damit saka sunugin. Base na rin kasi sa pamihiin nating mga Pinoy, dapat ganito ang gawin kapag nakita mong may taong pugot ang ulo sa larawan. Pangontra raw ito para walang mangyaring masama sa nasa picture. May mga insidente na rin kasi na may nakitang walang ulo sa picture, pero walang ginawang aksyon kaya't namatay ito. Sinabi naman ni Ursabia na napaka-awkward naman kung sasabihan niya ang doctor. Una, hindi naman sila magkakilala. Napag-alaman niya na subsob sa trabaho ang doktor nang sandaling makunan niya ito ng litrato.

Viral: Resort sa Batangas, Napinsala Nang Husto ng Lindol

Lumikha ng takot at pag-aalala ang katatapos lang na lindol na nangyari ngayong April 8, bandang alas tres ng hapon lalo na sa mga lugar na naging sentro nito. Gaya na lang sa Mindoro at Batangas kung saan ay nakaranas sila mula 5.6 hanggang 5.9 na lindol. Pagkatapos ng lindol, agad na nag-viral ang mga larawan na pinost sa social media ng isang nagngalang Ryan Valle na nagpapakita kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng naganap na lindol. Makikita sa mga larawan ang mga kotse na sira na ang bubong matapos mabagsakan ng semento. Napinsala rin ang mga pader ng gusali nang nasabing resort. Kasalukuyan diumanong nahbabakasyon si Ryan sa Netanya Resort sa Mabini, Batangas nang makaramdam sila ng malakas na lindol. Dahil dito ay nagpanic ang mga kapwa niya bakasyunista habang nag-iiyakan naman ang mga bata.   Agad naman silang inalalayan ng mga staff ng resort at dinala sila sa open space na lugar. Dahil sa magkakasunod na nangyaring lindol ngayon, marami ang naniniwala anumang

Love Triangle, Posibleng Dahilan sa Pagkakapatay ng Dating Beauty Queen ng Bulacan

Photo Credit: GMA 7 Love triangle, ito ang nakikitang anggulo ng kapulisan sa pagkakapatay sa 23-taong gulang at dating lakambini ng Bulacan na si Mary Christine Balagtas. Ang dalaga ay napaulat na binaril matapos itong bigyan ng bulaklak at tsokolate ng dalawang lalaki na nagpanggap na delivery boys. Lulan ang mga suspek ng motorsiklo. Posible diumanong mga hired killer ang pumaslang sa dalaga. Kung sino ang nag-utos sa kanila ay ito ang inaalam ng kapulisan.   Ayon sa hepe ng Plaridel, Bulacan na si Police Supt. Julio Lizardo, sinabi sa kanya ng ina ni Balagtas na mayroong asawa ang nobyo ang kanyang anak. Ang asawa nito ay nasa abroad. Gusto na raw hiwalayan ng lalaki ang asawa kaya lang ay medyo natatakot pa ito.  Sa salaysay pa ng ina ni Balagtas sa pulisya, ilang beses na raw nitong nakausap ang asawa ng nobyo ng anak sa telepono. Nakikiusap na ito na kung maaari ay hiwalayan na kanyang anak ang asawa nito. Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nobyo ni Balagt

Rapper at Fliptop Artist na si Badang, Kulong Dahil sa Seksuwal na Pang-aabuso

Kalaboso ang sinapit ng rapper at Fliptop artist na si Badang o Darwin Ferianeza. Ito ay matapos siyang ipakulong ng may-ari na kanyang tinitirahan dahil sa pangmu--molestya nito sa kanyang anak na babae. Sa video post ng isang nagngangalang  Christopher Dantes aka SLYKANE , maririnig ang kanyang boses na galit na galit kay Badang. Sinusumbatan at minura-mura niya ito dahil sa kabila nang kanyang pagkupkop at pagpapakain sa itinuring pa man din niyang kaibigan ay nagawa pa nitong pasukin ang kuwarto ng kanyang anak na babae. Sumisigaw diumano ang kanyang anak nang "Daddy, daddy, si Tito Badang nakatayo na lang d'yan hawak 'yung kamay ko!"  Ayon pa kay Dantes, pangalawang beses nang nangyari ang ganito. Noong una ay sa kanyang pamangkin, pero ipinagtanggol pa nito si Badang. Tapos ngayon naman ay sa kanyang anak kaya’t ‘di niya ito maaaring palagpasin .Sisirain daw ng lalaki ang kasikatan ni Badang. Dahil sa insidente, dinala sa presinto si Badang. Sa vi

Dating Beauty Queen, Nakatanggap pa ng Bulaklak at Tsokolate Bago Patayin

Patay ang dating beauty queen na si Mary Christine, 23-taong gulang nitong Miyerkules ng umaga. Ito ay matapos siyang pagbabarilin. Ayon sa ulat, nakatanggap diumano ng boquet ng bulaklak at isang kahon ng tsokolate sa dalawang lalaki sa bahay nito sa Brgy. Banga, Plaridel, Bulacan. Pero pagkalipas lang ng minuto ay binaril na ito ng isa sa mga suspek. Tumakas sila sakay ng motorsiklo. Agad namang dinala sa hospital ang biktima, pero ‘di pa man nakararating ay binawian na ito ng buhay. Sa ngayon ay blanko pa ang kapulisan kung ano ang motibo ng mga suspek para gawin ito sa dalaga. Isa sa anggulong kanilang tinitingnan ay kung may kinalaman ba ito sa pag-ibig. Humihingi naman ng katarungan ang pamilya at mga kaklase ni Balagtas sa University of Regina Carmeli College. Nagpahayag ang mga kaklase nito ng kanilang galit sa pamamagitan ng social media. Si Balagtas ay nagwagi noon sa La Bulakenya pageant noong 2009. Source: Inquirer, GMA 7, ABS-CBN

Bongbong Marcos, Magiging DILG Secretary na?

Nakahanda diumanong tumanggap ng posisyon sa gobyerno ang dating senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kung sakali mang alukin siya ni President Rodrigo Duterte. Ang nasabing pahayag ay isinagot ni Bongbong nang makapanayam siya ng media sa 70th birthday celebration ng dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo nitong April 5. Ani Bongbong, hindi niya maaaring tanggihan kung aalukin siyang sumali sa gabinete ng pangulo dahil ito naman ay para sa bansa. Kamakailan lang ay nagkaroon ng alingasngas na si Bongbong ang papalit sa puwesto ng sinibak na DILG Secretary na si Samuel Sueno. Ngunit nagkaroon ng mga alingasngas na hindi interesado rito si Bongbong dahil ang pagka-bise presidente ang kanyang puntirya. Lalo na't mayroon pa siyang nakahain na electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo. Sa ngayon, 'di pa raw nagkakausap sina Bongbong at si Pangulong Duterte. Ni hindi pa niya ito natatanong k

Pulis, Nag-viral Dahil sa Pagliligtas ng Mga Pasahero sa Bus!

Photo Credit: Din (Crazy Frog) Sa kabila ng kontrobersyal na hinaharap ngayon ng kapulisan dahil sa isyung EJK na ipinaparatang sa kanila dahil sa kontra-droga ng pamahalaan. May isang pulis na lumulutang ang pangalan dahil sa kabayanihan niyang ginawa. Viral ngayon ang isang pulis na si PO2 Joselito Lantano matapos niyang iligtas ang mga pasahero ng isang bus sa kamay ng mga holdupper. Ayon sa kuwento ng Facebook user na si Din (Crazy Frog), nakarating siyang ng Farmers-Cubao at sumakay ng bus patungong Sta. Maria, Bulacan bandang alas-dos ng madaling araw. Habang bumabaybay diumano ang sinasakyan niyang bus ay biglang may nagpaputok ng baril sa kanyang likuran. May isang lalaki na sumigaw at nagdeklara ng holdup saka uli nagpaputok ng isa pa. Sinabihan pa raw ng holdupper ang driver na huwag ihihinto ang bus. Base pa sa kuwento ni Din, nagulat siya dahil biglang naglabas ng baril ang katabi niyang lalaki at sumigaw ng “Pulis ako!”  Sabay pinaputukan nang dalawang beses a

Kim Domingo, Itinangging Binastos Niya si Meg Imperial

    Kamakailan ay napabalita na binastos daw ng Kapuso actress na si Kim Domingo si Meg Imperial nang minsang nagkasama sila sa isang set. Ito ay ayon sa source ni Rose Garcia ng Abante.    Base sa kuwento ng source ni Rose, abala diunano noon si Kim sa pagkalikot ng kanyang cellphone nang dumating si Meg. Lumapit ito kay Kim at nagpakilala at nang makikipagkamay ito kay Kim ay di niya pinansin.    Sinagot naman ni Kim ang naturang alingasngas. Ayon sa post niya sa Facebook, sobrang paninira naman ang ginagawa sa kanya. Wala raw itong katotohanan. Hindi niya ito magagawa lalo na't nauna pa sa kanya sa showbiz industry. Ang kapal naman daw ng kanyang mukha kung kung di niya kakamayan ang nakikipagkamay sa kanya.      Ayon pa sa Kapuso actress, magkaibigan daw sila ni Meg at madalas daw silang magkausap lalo na't magkasama sila sa isang show. Ipinagpagsa-Diyos na lang niya diumano kung sinuman ang naninira sa kanya. Source: Facebook, lionheartv