Ang bandila ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan at
kasarinlan ng isang bansa. Kaya’t dapat itong galangin sa anumang oras at
pagkakataon.
Viral
ngayon ang larawan ng mga pari dahil sa pagsusot ng watawat ng Pilipinas. Ang
mga nasabing larawan ay inupload ng kilalang personalidad na si Even Demata. Sa
post ni Even, mababasang galit na galit siya sa ginawang ito ng mga pari.
Kulang na lang daw ay lubid puwede nang isabit sa flagpole.
Umani
rin ng batikos ang mga paring nagsuot ng watawat, dapat daw ay magmisa na lang ang mga ito.
Wala naman diumanong nakasulat sa Bibliya na dapat magsuot ng flag. ‘Yung mga
artist na gumagawa nito, kulang na lang ay arestuhin. Pero kapag pari ang
gumawa nito, ibig sabihin daw ba ay ayos na?
Pero
ayon sa isang Facebook user na si Kknen Cab Bits, hindi naman binabastos ang
watawat ng Pilipinas ng pari. Ayon sa kanya, ang mga nasa larawan ay ang
tinatawag na Aglipayan Church o
tinatawag din na Philippines Independent Catholic Church. Kapag may nakita raw
tayo na simbahan na flag, ito raw ay ang Pilipinista na Simbahan.