Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2017

Ben Tulfo, Lumayas na sa TV5-Radyo5

Ipinahayag ni Ben Tulfo sa kanyang programa ang kanyang pamaalam at pagpapasalamat sa TV5-Radyo5 na kanyang  tahanan mula 2013 hanggang 2017. Lilipat na siya sa istasyon ng pamahalan, ang PTV 4. Ayon kay Tulfo, kahit kusing ay hindi siya tumanggap ng talent fee sa TV 5. Kaya’t ‘di masasabing empleyado siya ng network. Dahil kung hihingi siya ng talent fee ay hindi nila kakayanin ang kanyang presyo. Sinabi niya na ang Bitag Media ay independent mula pa noon at mayroon itong intellectual copyright. Siya ang tumatayong President & CEO ng sariling kumpanya at mayroon siyang mahigit sa 60 na empleyado. Sinabi pa ni Tulfo na may ibinigay na papeles sa kanya ang management ng TV 5, pero ni-reject niya lang ito. Nilinaw ni Tulfo na personal niyang desisyon ang pag-alis sa TV 5. Wala kay Ed Lingao na kamakailan ay kanyang nakaalitan. Humingi pa nga raw siya ng paumanhin dito matapos niyang malaman na namatayan ito ng miyembro ng pamilya. Ang kanya namang mga kapati...

Pulis na 'di Gumamit ng Dahas sa Attacker, Viral sa Internet

Larawan mula sa Newsner.com FB page Hindi lahat ng pulis ay bayolante o utak-pulbura gaya ng dalawang pulis-Mandaluyong na pinalu-palo ng yantok ang kanilang nahuli. Ibahin natin ang isang dayuhang pulis na ngayon ay may viral video dahil sa kakaiba niyang paghawak sa isang attacker na may hawak na kutsilyo. Makikita sa video na nakaupo lang ang police officer at kalmadong nakikipag-usap sa attacker. Maya-maya ay wala siyang kaabug-abog na lumapit sa attacker. Habang ang attacker naman ay ‘di nagdalawang-isip na iabot sa pulis ang kutsilyo at nagyakapan pa sila. Maraming mga netizen ang naantig sa video. Hindi naman pala palaging ang dahas ay kailangang gantihan ng dahas. Minsan ay magkaroon ka rin ng simpatya sa dinaramdam ng iyong kapwa. Baka kasi napakatindi lang ng problema nito kaya siya nagwawala. Siyempre, kailangan ding mag-ingat lalo na’t armado ng kutsilyo ang kaharap mo.  Panoorin ang video:

Mahalin ang Kalikasan

Kalikasan. Isang bagay na nilikha ng Diyos para satin. Nilikha para ating alagaan, pahalagahan at mahalin. Ang kalikasan ang nagbibigay sa atin ng buhay. Dito nagmumula ang ating mga sariwang prutas at gulay na galing sa mga puno. Sa pamamagitan din ng mga puno kaya tayo'y ay malayang nakakahinga. Mga puno rin ang nagsisilbing tahanan ng napakaraming uri ng hayop lalo na ng mga ibon. Ang mga isda na masusustansya ay ang kalikasan din ang nagbibigay na matatagpuan natin sa mga karagatan, ilog at iba. Tunay ngang napakaraming naidudulot sa atin ng kalikasan.  Hindi natin pansin ngunit napakalaki ng pakinabang natin dito. Kung hahayaan natin na ipagsawalang bahala na lang natin ito, maaaring ito na rin ang ating magiging katapusan. Isipin na lng natin kung patuloy nating gagawin ang mga aktibidad na makakasira ng ating kalikasan. Paano na lang ang susunod na mga henerasyon? Hahayaan na lang ba natin na ang ating mga magiging anak at apo ay wala nang makitang magagandang tanaw...

Ingatan ang Ating Kalikasan

Ang ating kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon. Sa kasalukuyang panahon, nakaaalarma na ang nangyayari sa ating kapaligiran dahil sa ating kapabayaan. Dahil kung ano’ng ikinaganda nito noon ay siya namang kabaligtaran sa panahon natin ngayon. Sapagka't hindi na natin napapangalagaan ito nang maayos. Kung ito lamang ay natatrato ng tama eh ‘di sana'y hindi natin nararanasan ang mga delubyo at krisis na sinasagupa sa panahon natin ngayon. Eh ‘di sana'y walang sirang kabuhayan at sirang kapaligiran tayong nararanasan ngayon. Sana habang may panahon pa at hindi pa huli ang lahat ay matutunan natin itong alagaan. Solusyonan natin ang problemang ito. Sa pamamagitan nang pagtatanim ng puno. Ito ay isang paraan para hindi magkaroon ng baha. Mag "reuse" ng mga gamit na maaari pang gamitin tulad ng bote. Lahat tayo ay dapat na magtulungan upang maibalik natin ang dating ganda at kasaganahan ng ating...

Kalikasan Para sa Lahat

Sa lagay ngayon ng ating kapaligiran ay tila malapit nang maubos at masira ang ating mga likas na yaman. Kung kaya naisipan kong gumawa ng listahan upang tumulong sa pagsasaayos nito. 1. Magtapon ng basura sa tamang basurahan. Mahalaga na ang ating basura ay nakahiwalay sa nabubulok at di nabubulok. Dapat din nating ihiwalay ang mga basura na maaari pang i-recycle. 2. Magtanim. Ang pagtatanim ang pinakamadaling gawin sapagkat ang kailangan mo lang ay pananim at pagtataniman. 3. Gumamit ng natural na pataba. Ang mga basurang nabubulok gaya ng mga dahon, gulay at iba pa ay maaaring gawing pataba. Bulukin lang ito at ihalo sa lupang pagtataniman. 4. Sumali sa mga proyekto ng barangay. Ang pagsali sa mga paglilinis ng barangay ay makakatulong upang maging malinis ang iyong kapaligiran at maaaring makahikayat pa sa iyong mga kaibigan na sumali rin. 5. Gumawa ng poster. Maaari kang gumawa ng mga poster na naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa pagsasaayos at pag...

Kalikasan Huwag Pabayaan

Ang 'likas na yaman' ay yaman na biyaya ng kalikasan tulad ng yamang lupa, yamang gubat, yamang tubig, yamang mineral at enerhiya. Sa yamang tao naman, ito ay ang lakas ng paggawa at ang yamang pisikal, ito naman ay ang makinarya at kapital. Sa buhay natin bilang kabataan ngayon maraming pagbabago ang nangyayari. Mula sa mga gawain sa pang-araw-araw, mga nakagawiang makabagong teknolohiya na isa ng mahalaga sa buhay natin. Marami na tayong dapat ayusin at asikasuhin. Dahil sa mga bagay na ito, nagkukulang o nawawala na ang pansin natin sa kasalukuyang kalagayan ng ating kalikasan o kapaligiran na ating napapakinabangan. Ganun pa man dapat na hindi ito isawalang bahala at kailangang bigyan ng agarang pansin. Kaya bilang kabataan at binigyang pagkakataong mabuhay ng Maykapal sa mundong ito ay gamitin natin ang sariling kakayanan at lakas para mapangalagaan ang magandang regalong natanggap natin. Kahit sa simpleng pagtatapon lamang ng mga basura sa tamang basurahan...

Kalikasan, Kumusta na?

KALIKASAN! Kumusta ka na? Maayos ka pa ba o tila naghihirap na? Mga katanungan sa aking isipan kapag naririnig ko ang salitang ‘kalikasan’. Ang kalikasan ay isa sa mga pinagkukunan at nagsusuplay sa atin ng ating pangunahing pangangailangan. Pero paano kung mapabayaan at maabuso ang paggamit dito, handa ka ba sa maaaring ganti nito? Ang kalikasan ngayon ay unti-unti nang nawawala dahil sa sari-saring pang-aabuso na ginagawa ng mga tao. Nariyan ang pagpuputol ng puno, pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat, pagsusunog sa kabundukan at marami pang iba. Kaya bilang ganti ng Inang Kalikasan, ibat-ibang sakuna ang ating nalalasap na nagsisilbing parausa sa ating mga kasalanan. Kaya bilang kabataan at bilang estudyante, dapat maging isa tayong modelo upang sumama at pasimulan ang ibat-ibang programag ikaaayos ng ating kalikasan. Piliin natin ang mas ikabubuti kaysa ikakasama ng ating kalikasan dahil sa oras na mawala at maubos ‘yan ay tayo ring mga tao ang kawawa. -Jo...

Pagpapa-unlad sa Sariling Wika

Ang kabataan nga naman ngayon. Bakit nakakalimutan na natin ang ating sariling wika? Ang bilis talaga nating makalimot , kasing bilis ng panahon ng ating paglaki. Kaya heto ako at magbibigay ng ilang paalala para manatili sa atin ang pagpapahalaga sa ating wika: Apat na paalala para mapaunlad ang ating Sariling Wika : 1. Gamitin nang wasto sa pang araw-araw na gawain at sa lahat ng pagkakataon. 2. Huwag gamitin ang sariling wika sa anumang makakapagpahiya sa ating bansa. 3. Ipagmalaki mo ang sarili nating wika, mas payabungin mo ang paggamit sa wika natin kaysa sa wika ng ibang lahi. 4. Sariling wika muna ang iyong dapat matutunan bago ang wika ng iba. Mahalaga para sa akin ang ating wika , sana ay ganoon ka rin. Maraming salamat sa iyong panahon para basahin ito. Nawa'y matulungan mo ako upang mas lalong umunlad ang ating Wikang Pambansa. - Shylyn Mae Gonzales

Ang Magagawa ng Isang Kabataang Tulad ko Para sa Kalikasan

                             Sa kalagayan ng ating panahon ngayon ang ating kalikasan ay unti-unting nasisira.Unti-unti na nating napapabayaan ang ating kalikasan .Paano kaya natin ito masusolusyonan? Ano ang mga paraan na magagawa  ng isang kabataang tulad mo? Ito ang aking naisip na maaari kong magawa bilang isang kabataan: 1.Sasali ako sa mga proyekto ng barangay na pagtatanim ng mga puno. 2.Maggagawa ako ng compost fit upang doon itapon ang aming mga basura sa halip na sunugin. 3. Paggamit ulit ng mga bagay na luma na na maaari pang mapakinabangan sa halip na itapon. 4.Magbibigay ng suhestiyon sa barangay na dapat linisin ang mga kanal upang hindi magbara at maging dahilan ng pagbaha. 5. Maglilinis ako ng palibot ng aming bahay sa halip na maglaro sa cellphone at magkulong sa kwarto. - Danica Manese Hernandez

Ganti ng Kalikasan

Tunay ngang ang mga tao ang pinakaswerteng nilalang sa mundo, bakit ko nasabi ito? Simple lang, sapagkat lahat nangg gustuhin at kailanganin natin ay madali nating nakukuha sa ating kapaligiran o sabihin na nating likas na yaman. Sa katunayan nga  ay napakarami nating maipagmamalaking mga yamang likas kumpara sa ibang mga bansa noon. Pero ang lahat ng ito ay mananatili na lang sa ating imahinasyon kung tuluyan nating sisirain o babalewalain ang unti-unting pagkawasak ng ating kapaligiran na dahil na rin sa ating pang-aabuso at maling paggamit sa mga ito.       Sa tingin ko ay hindi magiging madali ang paraan nang pagsasaayos sa ating kapaligiran dahil na rin sa lawak ng pinsalang naidulot ng iba't-ibang uri ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol atbp. Pero sabi nga ng iba, walang imposible kung gugustuhin mo lang. Kaya naman sana simulan natin kahit sa simpleng bagay lang ang pagsasaayos dito.    Magtanim tayo ng mga panibagong hal...

Kalikasan Ating Ingatan

                             Kalikasan, lugar kung saan tayo ay naninirahan. Lugar kung saan tayo ay nakakakuha ng mga kailangan natin upang matugunan ang ating mga pangangailangan. Ngunit paano kung ang kalikasa'ng ating kailangan ay unti-unting inabuso at pinapabayaan?     Ang kalikasan ang nagbibigay sa atin ng ating mga pangunahing pangangailangan ngunit bakit ating inaabuso at parang tayo pa ang sumisira dito? Bilang isang mamayan dapat natin itong ingatan at pangalagaan dahil kung wala ito wala rin tayo. Alam natin ang mga hindi tamang nangyayari sa ating kapaligiran, mga pagpuputol ng puno na nagsasanhi ng landslide. Pagkakaingin, Pagtatapon ng basura sa kung saan at iba pa.    Kailangan natin itong pakinabangan dahil tayo rin ang nakikinabang dito.   -Rochelle Mamplata Onda-

Tayo at ang Kalikasan

Ang ating kalikasan ay isang biyaya ng Poong Maykapal. Bilang isang Pilipino responsibilidad natin na pangalagaan ang ating kalikasan sa loob o labas man ito ng ating bansa. Marapat lamang na ating alagaan ang ating kalikasan sa pamamagitan nang paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan natin ang mga kalat sa paligid. Huwag tayong magtapon ng kahit ano’ng uri ng basura kung saan-saan tulad ng ilog. Marapat lamang na itapon natin sa tamang tapunan ang ating mga basura. Huwag tayong magputol ng puno upang maiwasan natin ang pagbaha kung sakali mang may bagyong dumating. Iwasan nating magsunog ng plastik o nang kahit anong makakasanhi sa maiitim na usok nang sa gayon ay hindi masira o mabutas ang ating "ozone layer" na magsasanhi ng sobrang init na panahon. Ugaliin rin nating magtanim ng mga puno sa bukirin at mga lugar kung saan may iilang puno. Pangalagaan natin ang ating kalikasan sapagkat ang kalagayan ng ating kalikasan ang sumisimbolo kung anong klase tayo ...

Viral: Pekeng Bigas, Kumakalat sa Bansa?!

Pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ang video na ipinost ng Facebook user na si Rafael Franco na diumano ay nakabili siya ng pekeng bigas galing Thailand na ang brand ay Harvest Season. Sa video ni Franco, ipinakita niya kung bakit nasabi niyang peke ang nabili niyang bigas. Kumuha siya ng bagong saing na kanin sa kaldero at inilagay sa plato. Pagkatapos ay itinapat niya ito sa electric fan saka nilamutak at binilog. Makikita na hindi man lang dumidikit sa kanyang kamay ang kanin gaya nang orihinal na bigas na kapag nilamutak mo ay kakalat ito sa iyong kamay. Pagkabilog sa kanin ay ibinagsak niya ito sa lupa at makikitang tumatalbog ito. Aniya, patunay na plastic nga ang kanyang nabiling bigas. Bukod kay Franco, nakabili rin diumano ng pekeng bigas ang nagngangalang Amrehn Galang. Nagtataka siya kung bakit sumasakit ang tiyan ng kanyang nanay at nanghihina. Ayun pala ay nakakain ng pekeng bigas. Hinihiling nila na sana ay maimbistigahan ng gobyerno kung bakit may nakap...

Viral: Magkalaguyo, nag-lock ang maseselang parte ng katawan!

                         Viral ngayon ang video ng isang lalaki at babae na nag-lock ang mga pribadong parte ng kanilang katawan. Sinabi sa caption ng nag-post ng video na si Greg Castor Gapasinao na ang dalawa ay magkalaguyo. Aniya, " Married woman gets stuck while having s_x with her boyfriend".      Nangyari ang insidente sa isang lugar sa Africa. Makikita sa video na buhat-buhat ng mga tao isinakay sa kariton ang dalawa na magkadikit habang nagkakagulo ang mga usisero sa kanilang paligid.      Ayon sa mga komento ng mga netizen na nakapanood sa naturang video, mabuti nga sa kanila. 'Yan ang napala nila sa kanilang pangangaliwa. Samantalang meron din namang naaawa sa dalawa dahil nagkadikit na nga ay pinagtatawanan pa. Eh, kung ganito rin kaya ang mangyari sa kanila.      Ang naturang pangyayari ay tinatawag na vaginismus kung saan ay nagla-lock ang ari ng babae kung ...