Ang ating kalikasan ay isang biyaya ng Poong Maykapal. Bilang isang Pilipino responsibilidad natin na pangalagaan ang ating kalikasan sa loob o labas man ito ng ating bansa. Marapat lamang na ating alagaan ang ating kalikasan sa pamamagitan nang paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan natin ang mga kalat sa paligid.
Huwag tayong magtapon
ng kahit ano’ng uri ng basura kung saan-saan tulad ng ilog. Marapat lamang na
itapon natin sa tamang tapunan ang ating mga basura. Huwag tayong magputol ng
puno upang maiwasan natin ang pagbaha kung sakali mang may bagyong dumating.
Iwasan nating magsunog
ng plastik o nang kahit anong makakasanhi sa maiitim na usok nang sa gayon ay
hindi masira o mabutas ang ating "ozone layer" na magsasanhi ng
sobrang init na panahon. Ugaliin rin nating magtanim ng mga puno sa bukirin at
mga lugar kung saan may iilang puno.
Pangalagaan natin ang
ating kalikasan sapagkat ang kalagayan ng ating kalikasan ang sumisimbolo kung
anong klase tayo ng tao.
-Ally Margaret Prado