Larawan mula sa Newsner.com FB page |
Makikita sa video na
nakaupo lang ang police officer at kalmadong nakikipag-usap sa attacker. Maya-maya
ay wala siyang kaabug-abog na lumapit sa attacker. Habang ang attacker naman ay
‘di nagdalawang-isip na iabot sa pulis ang kutsilyo at nagyakapan pa sila.
Maraming mga netizen
ang naantig sa video. Hindi naman pala palaging ang dahas ay kailangang
gantihan ng dahas. Minsan ay magkaroon ka rin ng simpatya sa dinaramdam ng
iyong kapwa. Baka kasi napakatindi lang ng problema nito kaya siya nagwawala.
Siyempre, kailangan ding mag-ingat lalo na’t armado ng kutsilyo ang kaharap mo.
Panoorin ang video: