Tunay ngang ang mga tao ang
pinakaswerteng nilalang sa mundo, bakit ko nasabi ito? Simple lang, sapagkat
lahat nangg gustuhin at kailanganin natin ay madali nating nakukuha sa ating
kapaligiran o sabihin na nating likas na yaman. Sa katunayan nga ay napakarami nating maipagmamalaking mga
yamang likas kumpara sa ibang mga bansa noon. Pero ang lahat ng ito ay
mananatili na lang sa ating imahinasyon kung tuluyan nating sisirain o
babalewalain ang unti-unting pagkawasak ng ating kapaligiran na dahil na rin sa
ating pang-aabuso at maling paggamit sa mga ito.
Sa tingin ko ay hindi magiging madali ang
paraan nang pagsasaayos sa ating kapaligiran dahil na rin sa lawak ng pinsalang
naidulot ng iba't-ibang uri ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol atbp.
Pero sabi nga ng iba, walang imposible kung gugustuhin mo lang. Kaya naman sana
simulan natin kahit sa simpleng bagay lang ang pagsasaayos dito.
Magtanim tayo ng
mga panibagong halaman na s’yang papalit sa mga pinutol na puno. Itapon natin
sa basurahan ang mga basura natin lalo't higit ang mga plastik na s’yang
nagiging dahilan nang pagbabara sa mga kanal at estero na nagdudulot ng
pagbaha. Pilitin nating huwag magsilab upang mabawasan ang polusyon sa hangin
na maaaring mapagkunan ng iba't-ibang uri ng mga sakit. Limitahan na rin sana
natin ang pagputol sa mga puno lalo sa mga kagubatan at kabundukan sapagkat
kita naman natin ang dulot na perwisyo nito sa tuwing bumabaha.
Masarap mabuhay
bilang tao dahil lahat nang gustuhin natin ay nakukuha at nagagawa natin. Pero
sa kabila nito ay huwag naman sana nating abusuhin ang ibinigay na biyaya sa
atin ng Maykapal dahil naniniwala ako na, "Kapag kalikasan na ang sa ati'y
gumanti, wala na tayong ibang magagawa kundi ang magsisi".
-Clarise Bonilla