KALIKASAN! Kumusta ka
na? Maayos ka pa ba o tila naghihirap na? Mga katanungan sa aking isipan kapag naririnig
ko ang salitang ‘kalikasan’.
Ang kalikasan ay isa sa
mga pinagkukunan at nagsusuplay sa atin ng ating pangunahing pangangailangan. Pero
paano kung mapabayaan at maabuso ang paggamit dito, handa ka ba sa maaaring
ganti nito?
Ang kalikasan ngayon ay
unti-unti nang nawawala dahil sa sari-saring pang-aabuso na ginagawa ng mga tao.
Nariyan ang pagpuputol ng puno, pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat, pagsusunog
sa kabundukan at marami pang iba. Kaya bilang ganti ng Inang Kalikasan,
ibat-ibang sakuna ang ating nalalasap na nagsisilbing parausa sa ating mga
kasalanan.
Kaya bilang kabataan at
bilang estudyante, dapat maging isa tayong modelo upang sumama at pasimulan ang
ibat-ibang programag ikaaayos ng ating kalikasan. Piliin natin ang mas
ikabubuti kaysa ikakasama ng ating kalikasan dahil sa oras na mawala at maubos ‘yan
ay tayo ring mga tao ang kawawa.
-Jomar
Arevalo