Ang 'likas na yaman' ay yaman na
biyaya ng kalikasan tulad ng yamang lupa, yamang gubat, yamang tubig, yamang
mineral at enerhiya. Sa yamang tao naman, ito ay ang lakas ng paggawa at ang
yamang pisikal, ito naman ay ang makinarya at kapital.
Sa buhay natin bilang kabataan
ngayon maraming pagbabago ang nangyayari. Mula sa mga gawain sa pang-araw-araw,
mga nakagawiang makabagong teknolohiya na isa ng mahalaga sa buhay natin. Marami
na tayong dapat ayusin at asikasuhin. Dahil sa mga bagay na ito, nagkukulang o
nawawala na ang pansin natin sa kasalukuyang kalagayan ng ating kalikasan o
kapaligiran na ating napapakinabangan. Ganun pa man dapat na hindi ito
isawalang bahala at kailangang bigyan ng agarang pansin. Kaya bilang kabataan
at binigyang pagkakataong mabuhay ng Maykapal sa mundong ito ay gamitin natin
ang sariling kakayanan at lakas para mapangalagaan ang magandang regalong
natanggap natin.
Kahit sa simpleng pagtatapon lamang
ng mga basura sa tamang basurahan ay isa nang pagpapakita ng magandang simulain
ng pagbabago at pangangalaga sa ating kapaligiran.Isa pa rito, ang simpleng
pagsali sa mga bayanihan o organisasyong may kinalaman sa pagpapaganda at
pagsasaayos ng kapaligiran na
napagkukuhanan ng ating pangangailangan at kapakinabangan. Tayo nang
makiisa at gumawa para sa kalikasan!
-Kristine Alaurin Zamudio