Ang kabataan nga naman
ngayon. Bakit nakakalimutan na natin ang ating sariling wika? Ang bilis talaga
nating makalimot , kasing bilis ng panahon ng ating paglaki. Kaya heto ako at
magbibigay ng ilang paalala para manatili sa atin ang pagpapahalaga sa ating
wika:
Apat na paalala para mapaunlad ang ating Sariling Wika
:
1. Gamitin nang wasto sa pang araw-araw na gawain at
sa lahat ng pagkakataon.
2. Huwag gamitin ang sariling wika sa anumang
makakapagpahiya sa ating bansa.
3. Ipagmalaki mo ang sarili nating wika, mas
payabungin mo ang paggamit sa wika natin kaysa sa wika ng ibang lahi.
4. Sariling wika muna ang iyong dapat matutunan bago
ang wika ng iba.
Mahalaga para sa akin
ang ating wika , sana ay ganoon ka rin. Maraming salamat sa iyong panahon para
basahin ito. Nawa'y matulungan mo ako upang mas lalong umunlad ang ating Wikang
Pambansa.
-Shylyn Mae Gonzales
-Shylyn Mae Gonzales