Ang ating kalikasan ang nagbibigay
kulay sa ating kapaligiran na sadyang ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon.
Sa kasalukuyang panahon, nakaaalarma na ang nangyayari sa ating kapaligiran dahil sa ating
kapabayaan. Dahil kung ano’ng ikinaganda nito noon ay siya namang kabaligtaran sa
panahon natin ngayon. Sapagka't hindi na natin napapangalagaan ito nang maayos.
Kung ito lamang ay natatrato ng tama eh ‘di sana'y hindi natin nararanasan ang
mga delubyo at krisis na sinasagupa sa panahon natin ngayon. Eh ‘di sana'y
walang sirang kabuhayan at sirang kapaligiran tayong nararanasan ngayon.
Sana habang may panahon pa at hindi
pa huli ang lahat ay matutunan natin itong alagaan. Solusyonan natin ang
problemang ito. Sa pamamagitan nang pagtatanim ng puno. Ito ay isang paraan
para hindi magkaroon ng baha. Mag "reuse" ng mga gamit na maaari pang
gamitin tulad ng bote. Lahat tayo ay dapat na magtulungan upang maibalik natin
ang dating ganda at kasaganahan ng ating kalikasan. Walang imposible dahil
nandiyan ang ating Panginoon upang tayo ay gabayan sa bawat hakbang na ating
gagawin.
-Laizel PeƱana Silverio