Ipinahayag ni Ben Tulfo sa kanyang programa ang kanyang pamaalam at pagpapasalamat sa TV5-Radyo5 na kanyang tahanan mula 2013 hanggang 2017. Lilipat na
siya sa istasyon ng pamahalan, ang PTV 4.
Ayon kay Tulfo, kahit
kusing ay hindi siya tumanggap ng talent fee sa TV 5. Kaya’t ‘di masasabing
empleyado siya ng network. Dahil kung hihingi siya ng talent fee ay hindi nila
kakayanin ang kanyang presyo. Sinabi niya na ang Bitag Media ay independent
mula pa noon at mayroon itong intellectual copyright. Siya ang tumatayong President
& CEO ng sariling kumpanya at mayroon siyang mahigit sa 60 na empleyado.
Sinabi pa ni Tulfo na
may ibinigay na papeles sa kanya ang management ng TV 5, pero ni-reject niya
lang ito.
Nilinaw ni Tulfo na
personal niyang desisyon ang pag-alis sa TV 5. Wala kay Ed Lingao na kamakailan
ay kanyang nakaalitan. Humingi pa nga raw siya ng paumanhin dito matapos niyang
malaman na namatayan ito ng miyembro ng pamilya.
Ang kanya namang mga
kapatid na si Raffy Tulfo ay mananatili sa TV 5 habang ang kanyang kapatid na
si Erwin Tulfo ay lilipat din ng ibang istasyon.
Panoorin ang video: