Pinag-uusapan ngayon ng
mga netizen ang video na ipinost ng Facebook user na si Rafael Franco na
diumano ay nakabili siya ng pekeng bigas galing Thailand na ang brand ay
Harvest Season.
Sa video ni Franco,
ipinakita niya kung bakit nasabi niyang peke ang nabili niyang bigas. Kumuha
siya ng bagong saing na kanin sa kaldero at inilagay sa plato. Pagkatapos ay
itinapat niya ito sa electric fan saka nilamutak at binilog. Makikita na hindi
man lang dumidikit sa kanyang kamay ang kanin gaya nang orihinal na bigas na
kapag nilamutak mo ay kakalat ito sa iyong kamay.
Pagkabilog sa kanin ay
ibinagsak niya ito sa lupa at makikitang tumatalbog ito. Aniya, patunay na plastic
nga ang kanyang nabiling bigas.
Bukod kay Franco,
nakabili rin diumano ng pekeng bigas ang nagngangalang Amrehn Galang. Nagtataka
siya kung bakit sumasakit ang tiyan ng kanyang nanay at nanghihina. Ayun pala
ay nakakain ng pekeng bigas. Hinihiling nila na sana ay maimbistigahan ng
gobyerno kung bakit may nakapasok na pekeng bigas sa bansa.
Para patunayan ang sinabi ni Galang, nag-post pa siya ng video kung saan ay nagsangag siya
ng kanin. Makikita na ang bigas ay natutunaw at nagkadikit-dikit na hindi naman
nangyayari totoong kanin kapag isinangag mo.
Panoorin ang video na ipinost ni Rafael Franco: