Sa lagay ngayon ng ating
kapaligiran ay tila malapit nang maubos at masira ang ating mga likas na yaman.
Kung kaya naisipan kong gumawa ng listahan upang tumulong sa pagsasaayos nito.
1. Magtapon ng basura sa tamang
basurahan. Mahalaga na ang ating basura ay nakahiwalay sa nabubulok at di
nabubulok. Dapat din nating ihiwalay ang mga basura na maaari pang i-recycle.
2. Magtanim. Ang pagtatanim ang
pinakamadaling gawin sapagkat ang kailangan mo lang ay pananim at pagtataniman.
3. Gumamit ng natural na pataba.
Ang mga basurang nabubulok gaya ng mga dahon, gulay at iba pa ay maaaring
gawing pataba. Bulukin lang ito at ihalo sa lupang pagtataniman.
4. Sumali sa mga proyekto ng
barangay. Ang pagsali sa mga paglilinis ng barangay ay makakatulong upang
maging malinis ang iyong kapaligiran at maaaring makahikayat pa sa iyong mga
kaibigan na sumali rin.
5. Gumawa ng poster. Maaari kang
gumawa ng mga poster na naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa pagsasaayos
at paglilinis ng inyong pamayanan. Makatutulong ito na magbigay ng kaalaman sa
mga tao ng mga maaari nilang gawin sa pagsasaayos ng ating kalikasan.
-Rafael Naing