Kalikasan, lugar kung saan tayo ay naninirahan.
Lugar kung saan tayo ay nakakakuha ng mga kailangan natin upang matugunan ang
ating mga pangangailangan. Ngunit paano kung ang kalikasa'ng ating kailangan ay
unti-unting inabuso at pinapabayaan?
Ang kalikasan ang nagbibigay sa atin ng ating mga
pangunahing pangangailangan ngunit bakit ating inaabuso at parang tayo pa ang
sumisira dito? Bilang isang mamayan dapat natin itong ingatan at pangalagaan
dahil kung wala ito wala rin tayo. Alam natin ang mga hindi tamang nangyayari
sa ating kapaligiran, mga pagpuputol ng puno na nagsasanhi ng landslide. Pagkakaingin, Pagtatapon ng basura sa kung saan at iba pa.
Kailangan
natin itong pakinabangan dahil tayo rin ang nakikinabang dito.
-Rochelle
Mamplata Onda-