Skip to main content

Posts

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

Barangay workers sa Q.C., binawi ang relief goods matapos magpa-picture?

Ngayong panahon ng krisis marami ang dumadaing na hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman, nakatanggap nga pero kulang na kulang. Hindi nila alam kung paano pagkakasyahin sa buong pamilya ang natanggap na ayuda. Sa haba ba naman ng quarantine na 'di makapaghanapbuhay. Talagang gutom ang aabutin mo. Viral ngayon sa social media ang video na unang inupload ng kapatid ng netizen na si Alfredo Rodil mula sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City. Kitang-kita sa CTTV na naglalagay ng relief goods sa mga upuan sa labas ng mga bahay-bahay. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay bigla na lang binawi ang ayuda. Kaya gayun na lang ang kanilang pagkadismaya dahil sa inasal ng mga taga-barangay. Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang pangyayari. Anila'y parang nasa game show na may Laban o Bawi. Hindi raw ito makatarungan. Dapat silang matanggal sa trabaho ang mga ito. Pero may nagsabi naman na para namang scripted. Nagpa-picture lang daw para mayr...

Lockdown violators, pinapasakay sa ambulansya na may kasamang Covid positive?

Sa panahon ngayon na laganap na sa mundo ang sakit na Covid. Kanya-kanya nang paraan para makaiwas sa sakit na ito ang pamahalaan ng iba't ibang bansa. Kasama na nga ang pagku-quarantine o tinatawag din na lockdown. Dito sa Pilipinas, mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis at sundalo sa mga lumalabag sa ECQ. Kung anu-ano nang pagpapaalala ang kanilang ginagawa. Minsan tinatakot nila ang mga tao. Sa isang lugar, mayroong pang kabaong at dito nila pahihigain ang mga lumalabag sa curfew. Sa India naman, pinapalo nila ng yantok ang mga maabutan nila sa kalsada. Magaling din silang manakot. Sa isang video, makikitang papasakayin sa ambulansiya ang mga nahuli nila kasama kunwari ang isang positive sa Covid na isa ring pulis. Eh, di siyempre pahirapan sa pagpapasakay dahil panay kawag at nagsisigaw pa ang mga nahuli. Pero naisakay pa rin sila. At nung nandoon na sa loob ng ambulansiya ay hystirical pa rin sila. Nagawa pa nilang tumalon sa bintana ng sasakyan. Kahit biro lang ito, ...

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Pamilya na nakakuha ng 6,700 na ayuda sa DSWD, timbog sa Droga!

Timbog ang apat na katao na magkakapamilya matapos silang mahuli sa buy bust operation na isinagawa sa Tatalon, Quezon City. Ito ay sa kabila nang umiiral na Enhance Community Quarantine, nagawa pa rin nilang makipagtransaksyon. Ang mga nahuli ay sina Elvie Flores kasama ang kanyang dalawang anak na sina Angelo at Natalie pati na rin ang balae nito. Ayon sa pulisya, ang mga anak ni Elvie ay kanyang ginagamit para maging taga-abot ng droga. Habang ang balae naman ay gumagamit at kumukuha o nagbibenta rin. Nakuha mula sa kanila ang labintatlong sacchet ng shabu na may street value na 30 thousand pesos. Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagtutulak kasabwat ang kanyang mga anak. Ito na raw ang kanyang ipinambuhay sa mga anak dahil wala siyang asawa. Sinabi rin ng pulisya na si Elvie at balae nito ay benepisaryo ng 4ps at parehong nakatanggap ng 6,700 mula sa DSWD na ginamit nila diumanong puhunan para sa iligal na negosyo.  

Toni Fowler at Rob Moya, Namigay ng 5 Libo sa Mga Tao

Mula sa Mommy Toni Fowler YT Channel Namigay ng pera sina Toni Fowler at Rob Moya sa mga tao na pawang nakita lang nila sa daanan. Namigay sila ng tag-limang libo, isang libo at limang daan. Mari-rami ring nabigyan ang dalawa at talaga namang tuwang-tuwa ang mga nakatanggap. Mayroon pang nagtatalon sa tuwa matapos makatanggap ng limang libo na katumbas na ng Social Amelioration Program ng DSWD. Ilan sa mga masuwerteng naambunan ng biyaya ay mga vendor, pulis, barangay workers, tricecyle driver atbp pa. Hindi ito ang pagsunod sa nauuso ngayon na Mayaman Challenge ni Francis Leo Marcos. Ayon kina Toni, ginagawa nila ito para ibalik sa mga tao ang mga biyayang natatanggap nila sa kasalukuyan. Sa ngayon, mayroon ng 2 million subscribers sa kanilang Youtube Channel. Simula nang mag-vlog si Toni kasama si Rob ay inulan na sila ng suwerte. Sinabi ni Toni na nahirapan silang mamigay ng pera dahil konti lang ang mga taong nasa kalsada dahil na rin sa enhance community quarantine....

Sabong at Iba pang Sugal, Bawal na sa Davao City

Iniutos na ni Mayor Sarah Duterte na ganap na nang ipagbawal ang sabong   o anumang uri ng lugar na kanyang nasasakupan. Ito ay matapos na magkasundo ang Davao City Council para sila ay maging gambling free na. Kamakailan lang ay may mga sabungero na nasawi dahil sa Covid na nagsipagdalo sa Araw ng Davao Derby na ginanap sa New Davao Matina Gallera. Kabilang sa nasawi ang operator ng sabungan na si Mr. Dory Uy, isang kristo at iba pa. Umani ng iba't ibang reaksyon ang ginawanh hakbang na ito ng sabungera. May pumuri at meron ding hindi natutuwa partikular na ang mga sabungero na taga-roon. Payagan diumano nilang magkaroon uli ng sabong sa Davao City pagkatapos ng problema sa Covid. Dismayado rin ang iba at nagsabi na 'di na iboboto sa sunod ang mga Duterte sa susunod na eleksyon. Ayon naman sa Mayora na kaya ipinagbawal ang sabong, STL at lahat na ng uri ng sugal ay ayaw niyang maging accessable ito sa mga ordinaryong mamamayan o mahihirap.

4 at 5 taong Gulang, Nag-Donate ng Pera kay Mayor Keith Nieto

Kabi-kabila ang pagbibigay ng mga donasyon sa panahong ito dahil sa hirap na nararasan sa krisis na likha ng Covid. Walang sa edad ang pagtulong at pinatunayan yan nang magkapatid na sina Uan at Rj ng Villahe East, Cainta. Marami ang bumilib sa magkapatid dahil sa mura nilang isipan ay nagawa nilang mag-donate ng pera na kanilang naipon. Siyempre, panay papuri rin ang inabot ng kanilang mga magulang dahil napapalaki nila ito ng tama at may pagmamahal sa kapwa. May nagtext diumano kay Mayor Kieth Nieto na kung puwede ay daanan sila sa bahay para makuha ang kanilang donasyon dahil di sila makalabas. Personal naman itong pinuntahan ni Mayor. May kalakip pang liham ang donasyon. Talagang abangers daw sila ni Mayor at sana ay makatulong ang bigay nila. Sabi naman ng ibang netizen, kapag pinagkakatiwalaan ng mga tao ang namumuno sa kanilang bayan  ay ganado silang tumulong.

Lalaki, Tinodas ang Kapitan Dahil sa 5-8k Amelioration!

Na-huli cam ang ginawang paspaslang ng isang lalaki sa kapitan sa San Pablo, Sta. Ana, Laguna. Makikita sa CTTV na nag-uusap ang suspek at biktima, maya-maya ay naglabas ang suspek ng ito ng itak sa  kanyang bag. Ilang sandali lang ay pinagtataga niya ang kapitan. Tinamaan ito sa leeg at ulo na naging sanhi nang agarang pagkamatay. Hindi diumano nabigyan ng 5-8k Amelioration ang suspek na nagngangalang Pablito Uy kaya ito nagalit. Ang kapitan ay nakilalang si Larry Calderon Rosales. Agad namang nahulis ng kapulisan ang suspek. Panoorin ang video:   

Atong Ang at Grechen Barretto, Namataang Magkasama sa Dangwa

Image Source: Philippine Star              Muli na namang pinag-uusapan ang negosyante at sabungero na si Charlie “Atong” Ang. Hindi dahil may malaki siyang pusta o nanalo na naman sa sabong kundi may mga nakakita na naman na magkasama sila ni Gretchen Barretto.              Ayon sa ulat ng Pilipino Star, may nakakita diumano na naglalakad ang dalawa sa Dangwa na kilalang pamilihan ng local at imported na mga bulaklak. Gaya ng dati ay binigyan na naman ito ng malisya ng iba ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa. Ilang beses na rin kasing naibalita na nakita sina Atong at Grechen na magkasama sa airport, restaurant, mga party at iba pa.             Nauna nang itinanggi ni Grechen na mayroon silang relasyon ni Atong. Nagkakasama sila diumano dahil mayroon sila ay mag-partner sa ilang negosyo. Dati na rin siyang ipinagtangg...

Pasahero na Nambugbog sa Grab Driver, Humingi na ng Tawad

                                        Lumutang na si Jinno John Simon, ang itinuturong nambugbog sa Grab driver na si Armando Yabut.             Sa ulat ng TV Patrol, naglakas-loob na lang diumano siyang lumabas kahit na maraming galit sa kanya. Sirang-sira na ang kanyang pangalan at ni hindi man lang siya makauwi ng apartment para kumuha ng damit. Marami kasing nagbabanta sa kanya.             Ayon kay Simon, pinalabas raw ni Yabut na malinis ang kanyang intensyon sa pagsauli nito ng cellphone. Nagduda siya dahil ilang beses na niyang tinawagan ang naiwan niyang cellphone pero pinapatay ito ni Yabut. Kaya’t dito na niya naisipang tawagan ang costumer service ng Grab para makuha ang personal number ng driver.         ...

Babaeng umatake sa taga-MMDA, gutom lang daw kaya nag-beast mode

                                    Kamakailan lang ay nag-viral ang isang babae kasama ang kanyang boyfriend dahil nag-beast mode ito matapos na sitahin ng mga taga-MMDA dahil sa wala itong suot na helmet. Pinaglagyan kasi nito ng ulam na sinigang at mechado ang helmet kaya’t ‘di niya isinuot.             Sa ulat ng TV Patrol, tumangging magpaunlak ng panayam ang babaeng nasa viral video. Pero nagpaliwanag siya kung bakit siya nag-beast mode. Halos isang araw na raw siyang walang kain kaya’t naging mainit ang kanyang ulo. Humingi pa siya ng pasensya dahil sa kanyang inasal.             Pero ‘di pa rin ligtas ang babae sa asunto na maaari niyang kaharapin dahil pinag-aaralan na ng MMDA legal department kung ano ang maaaring ikaso sa kanya pati na sa kanyang boyfriend.  ...

Grab Driver na Nagbalik ng Cellphone ng Pasahero Imbes na Pasalamatan, Binugbog pa!

                                                      Hindi lahat nang pagmamagandang-loob ay nakabubuti. Minsan kasi imbes na pasalamatan ka ng taong pinagmagandahang loob mo ay masasamain pa ito. Ganito ang nangyari sa isang Grab driver na matapos isauli ang naiwan na cellphone ng kanyang pasahero ay binugbog pa ito.             Sa post ng Grab driver na si Kiel Nigel Yabut na nag-viral sa Facebook, kinuwento niya na nag-pick up siya ng pasahero na nagngangalang Jinno Jhon P.  Simon bandang 12:21 AM  noong February 9. Nagpahatid ito sa kanya sa may Kamuning.             Sinabi ni Yabut na naki-charge sa kanya si Simon, pero naiwan nito ang cellphone. Nakalayo na siya nang biglang nag-ring ang kanyang telepono. Tinawagan siy...

WATCH: Mga Batang Ginagaya ang Dragon Dance, Patok sa Mga Netizen!

      Chinese New Year kaya makakakita tayo ng dragon dance kung saan-saan. Hindi lang naman ang mga kapatid nating Intsik o Tsinoy ang nagdiriwang kundi pati na rin ang mga wala namang dugong Intsik ay nakikisaya rin.       Kung gusto mong makakita ng nagda-dragon dance, hindi mo na kailangan pang pumunta ng Chinatown. Baka makasalubong mo ang mga bata na ginagaya ang dragon dance kapalit ng pera. Pero sila walang ka-effort-effort sa costume at pantugtog. Simple lang kasi ang style nila.        Viral ngayon sa social media ang mga bata na nag-iikut-ikot at nagda-dragon dance kapalit ng pera. Na-videohan sila ng netizen na nagngangalang Ryan Blanco. Makikita sa video na timba ng pintura ang ginawa nilang drum habang ang isa naman ay may suot na tray na binalutan ng plastic sa ulo. Ang huli na ang pinaka-dragon na sumasayaw sa saliw  ng tugtog na nagmumula sa timba.       Maraming netizen ang natuwa s...

VIRAL: Babaeng Sinita Dahil Walang Helmet, Nagwala!

                                          Viral ngayon ang video ng isang babaeng nagwawala sa kalsada matapos na sitahin ng MMDA traffic enforcer dahil sa ‘di pagsusuot nito ng helmet.           Ayon sa post ng Gadget Addict na nagbahagi ng naturang video, nauna nang nasita ang babae sa Road 3 dahil sa ‘di pagsusuot nito ng helmet. Pagkalipas lang ng labing limang minute habang binabagtas ng sinasakyan nilang motorbike ang Visayas Avenue ay ‘di pa rin suot ng babae ang helmet.          Makikita sa video na galit na galit ang babae habang sinusugod nito ang traffic enforcer na sumita sa kanya. Nagalit ang babae dahil pinagtatawanan diumano siya ng traffic enforcer.                    ...

Pagpapakamatay ng Isang Lalaki, Napigilan Dahil sa Isang Halik

                                            Mukhang marami ang tinatamaan ngayon ng matinding depression kabilang na rito ang mga kabataan. Kahit saang parte ng mundo ay nangyayari ang ganito. Pero may ilan pa rin namang nakaliligtas dahil sa tulong ng iba.              Maniniwala ba kayo na ang isang halik lamang ay maaaring makapagligtas ng buhay ng tao?             Isang kabataang lalaki sa bansang China ang nailigtas dahil sa paghalik sa labi ng 19-anyos na babae na nagngangalang Liu Wenxiu.                            Sa ulat ng China Daily, naglalakad ang babae nang makita niya ang isang lalaki na nasa gilid ng tulay at may hawak na kutsilyo. Agad n...

Ginang, Nakuhanan ng Kalahating Milyong Piso Dahil sa Pekeng Raffle

                                  Lungkot at panghihinayang ang naramdaman ng isang ginang sa Baguio City na nagpapatago sa pangalang ‘Katherine’ , 57-taong gulang nang mapagtanto niyang nakuhanan siya ng pera ng mga scammer na umaabot na mahigit kalahating milyong piso. Naibigay niya ang nasabing halaga sa mga taong tumawag sa kanya na nagsabi na nanalo siya sa isang raffle.         Ayon sa kanyang kausap, nanalo siya ng 750,000 na cash at para makuha ito kinakailangan na magbigay siya ng pera para sa pagpu-proseso ng mga papeles.          Sa salaysay ng ginang, taong 2016 pa nang magsimula siyang tawag-tawagan nang mga nagpakilala na taga-iba’t ibang sangay ng gobyerno na nakabase sa Maynila. Umasa ang ginang na totoo ang sinabi ng mga ito. Gagamitin niya sana ang perang makukuha niya sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Pero huli na nang mapagtan...

VIRAL: Shoplifter na Nagpuslit ng 39 na Bote ng Alak, Nasabat!

                                         Ang mga shoplifter ay may kanya-kanyang istilokapag nagpupuslit sila ng gamit na kanilang makursunadahan. Kapag babae, and'yan 'yung nagkukunwaring buntis at doon ilalagay sa kanilang tiyan ang mga inumit partikular na ang damit. Kung maliit na item lang naman ay ibinubulsa na nila ito. Pero madalas kahit ano'ng utak ng mga shoplifter ay nabubuking pa rin sila.          Kung patindihan lang ng diskarte sa pang-uumit ng produkto aba'y wala na yatang titindi sa lalaki na nasa viral video.  Makikita sa video na paiisa-isang pinalalagay sa mesa ng mga pulis ang mga alak na inumit ng shoplifter. Mantakin mo ba naman ay nagawa niyang maglagay ng 39 na bote ng alak sa kanyang jacket. Sa dami ng mga ito ay parang may fiesta sa kanila at ang mga ito ang kanyang ihahain sa mga bisita. Kung hindi naman ay m...

Magkasintahang OFW sa Jeddah, inaresto dahil sa marriage proposal nila sa harap ng publiko

                                       Karaniwan na ang kapag nagpu-propose ng kasal ang isang lalaki sa kanyang kasintahang babae ay puno ito ng gimik. Iba-iba ang istilo na makikita natin para lang masurpresa ang minamahal. Nand’yan na kasabwatin pa ang mga kaibigan. At para ipakita na mahal na mahal nga nila ang babae ay nagpu-propose pa sila sa publiko. Agaw-atensyon nga naman ito. Pero hindi lahat ng proposal ay humahantong sa maganda. Hindi dahil sa ‘di nag-yes ang babae sa tanong ng lalaki na ‘Will You Marry Me’. Mayroong kasing proposal na nangyari ng OFW sa Jedah Saudi  na bagama’t nakamit niya ang pagpayag na pakasal ng kanyang kasintahan ay inaaresto naman sila. Ito ay dahil sa nag-proposed ang lalaki sa publiko na may kasama pang pagsayaw gayung nasa konserbatibo silang bansa. Agad na nag-viral ang video ng magkasintahan hanggang sa makuha nito ang atensyon ni...

VIRAL: Beki, naghipo diumano ng lalaki sa loob ng MRT?

                                              Madalas tayong makabalita na may mga nangmamanyak sa pampublikong sasakyan. Mapa-jeep, FX, bus o ‘di-kaya’y sa MRT o LRT. Kadalasan ay mga babae ang nagiging biktima ng mga mahilig manilip, manghipo o mandunggol ng dibdib. Mayroong nananahimik na lang at mayroon din namang mga pumapalag at ipinapahiya ang nangmamanyak sa kanila.             Pero hindi lang naman babae ang maaaring mabiktima nang pangmamanyak. Puwede rin ang lalaki.             Isang lalaking pasahero ang nag-viral sa social media matapos itong magalit dahil hinipuan siya sa ari ng isang beki. Ang eksenang ito ay nakuhanan ng video ng Facebook user na si McAdam Datucali Pundaodaya.          ...