Timbog ang apat na katao na magkakapamilya matapos silang mahuli sa buy bust operation na isinagawa sa Tatalon, Quezon City. Ito ay sa kabila nang umiiral na Enhance Community Quarantine, nagawa pa rin nilang makipagtransaksyon.
Ang mga nahuli ay sina Elvie Flores kasama ang kanyang dalawang anak na sina Angelo at Natalie pati na rin ang balae nito.
Ayon sa pulisya, ang mga anak ni Elvie ay kanyang ginagamit para maging taga-abot ng droga. Habang ang balae naman ay gumagamit at kumukuha o nagbibenta rin.
Nakuha mula sa kanila ang labintatlong sacchet ng shabu na may street value na 30 thousand pesos.
Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagtutulak kasabwat ang kanyang mga anak. Ito na raw ang kanyang ipinambuhay sa mga anak dahil wala siyang asawa.
Sinabi rin ng pulisya na si Elvie at balae nito ay benepisaryo ng 4ps at parehong nakatanggap ng 6,700 mula sa DSWD na ginamit nila diumanong puhunan para sa iligal na negosyo.