Madalas
tayong makabalita na may mga nangmamanyak sa pampublikong sasakyan. Mapa-jeep,
FX, bus o ‘di-kaya’y sa MRT o LRT. Kadalasan ay mga babae ang nagiging biktima
ng mga mahilig manilip, manghipo o mandunggol ng dibdib. Mayroong nananahimik
na lang at mayroon din namang mga pumapalag at ipinapahiya ang nangmamanyak sa
kanila.
Pero
hindi lang naman babae ang maaaring mabiktima nang pangmamanyak. Puwede rin ang
lalaki.
Isang
lalaking pasahero ang nag-viral sa social media matapos itong magalit dahil
hinipuan siya sa ari ng isang beki. Ang eksenang ito ay nakuhanan ng video ng
Facebook user na si McAdam Datucali Pundaodaya.
Maririnig
sa video na mataas ang boses ng lalaki at nagmumura. Ayon sa kanya, hindi muna
agad siya nagduda baka kasi ‘di naman sinasadya. Pero nakatlong tanggal diumano
ang lalaki sa kamay ng beki, pero umuulit pa rin ito kaya’t doon na siya
pumalag.
Makikita
naman sa video na ngiti-ngiti lang ang beki na sinasabing nanghipo sa lalaking
pasahero.
Sa
huli, makikita sa video na pinagtulakan palabas ang galit na lalaki dahil
nag-iiskandalo raw ito.
Iba-iba
naman ang naging reaksyon ng mga netizen hinggil sa sinasabing panghihipo ng
beki sa lalaki. Mayroong nagsasabi na tama ang ginawa ng lalaki dahil ipinaglaban
lang nito ang kanyang karapatan. Mayroon
din namang mga ‘di siniseryoso ang pagwawala ng lalaki at mayroon ding
naniniwala na modus lang ang ganito para mamera.
Mayroon
namang sagot ang beki na nakilala na si Ghed Ghed sa paratang sa kanya ng
lalaki. Nagulat daw siya dahil biglang nagsisigaw ang lalaki na hinipuan daw
ito at siya ang itinuturo.
Basahin ang kuwento ni Ghed Ghed: