Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo.
Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo.
Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive.
Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid.
Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom.
Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nilagyan niya ng tubig na maligamgam. Saka niya nilagyan ng isang kutsaritang asin. Matapos na haluin ay ininom niya ito. Nagsimulang gumanda ang kanyang pakiramdam dahil dito.
Ganun din ang pinagawa niya sa kasama sa bahay na katulad niya rin na nangangati na ang lalamunan at inuubo. Gumanda rin ang pakiramdam nito gaya niya.
Hinihimok niya rin ang iba na kung sakaling makaramdam ng pangangati ng lalamunan at ng ubo, magtimpla lang ng asin. Mura lang naman daw ang ito.
Panoorin ang video: