Sa panahon ngayon na laganap na sa mundo ang sakit na Covid. Kanya-kanya nang paraan para makaiwas sa sakit na ito ang pamahalaan ng iba't ibang bansa. Kasama na nga ang pagku-quarantine o tinatawag din na lockdown.
Dito sa Pilipinas, mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis at sundalo sa mga lumalabag sa ECQ. Kung anu-ano nang pagpapaalala ang kanilang ginagawa. Minsan tinatakot nila ang mga tao. Sa isang lugar, mayroong pang kabaong at dito nila pahihigain ang mga lumalabag sa curfew.
Sa India naman, pinapalo nila ng yantok ang mga maabutan nila sa kalsada. Magaling din silang manakot. Sa isang video, makikitang papasakayin sa ambulansiya ang mga nahuli nila kasama kunwari ang isang positive sa Covid na isa ring pulis. Eh, di siyempre pahirapan sa pagpapasakay dahil panay kawag at nagsisigaw pa ang mga nahuli. Pero naisakay pa rin sila. At nung nandoon na sa loob ng ambulansiya ay hystirical pa rin sila. Nagawa pa nilang tumalon sa bintana ng sasakyan.
Kahit biro lang ito, siguradong magtatanda na ang mga nahuli. Hindi na sila magiging pasaway. Mahirap na baka totohanin ng mga pulis na isama sila sa may Covid .