Mukhang marami ang tinatamaan ngayon ng matinding
depression kabilang na rito ang mga kabataan. Kahit saang parte ng mundo ay
nangyayari ang ganito. Pero may ilan pa rin namang nakaliligtas dahil sa tulong
ng iba.
Maniniwala ba kayo na ang isang halik lamang
ay maaaring makapagligtas ng buhay ng tao?
Isang
kabataang lalaki sa bansang China ang nailigtas dahil sa paghalik sa labi ng
19-anyos na babae na nagngangalang Liu Wenxiu.
Sa
ulat ng China Daily, naglalakad ang babae nang makita niya ang isang lalaki na
nasa gilid ng tulay at may hawak na kutsilyo. Agad niyang itong nilapitan dahil
napansin niya na nakatingin lang ang mga tao sa lalaki at tila walang gustong
tumulong.
Ayon
pa sa dalaga, ilang beses na rin siyang naging suicidal noon kung kaya’t alam
niya ang pakiramdam ng mga taong may matinding depression.
Napag-alaman
na kaya gustong magpatiwakal ng lalaki ay pumanaw ang ina nito at nagkaroon
siya ng madrasta na ‘di maganda ang trato sa kanya. Iniwan din silang mag-ama
ng madrasta tangay ang pera ng ama. Dahil dito ay napilitan silang mag-ama na
kumuhaa ng part-time job para lamang maka-survive.
Sa
huli, niyakap ng dalaga at hinalikan sa labi ang lalaki. Naging alerto naman
ang otoridad at biglang sinunggaban at hinila pataas ang lalaki.
Panoorin ang video: