Lumutang na si Jinno John Simon, ang itinuturong
nambugbog sa Grab driver na si Armando Yabut.
Sa
ulat ng TV Patrol, naglakas-loob na lang diumano siyang lumabas kahit na
maraming galit sa kanya. Sirang-sira na ang kanyang pangalan at ni hindi man lang
siya makauwi ng apartment para kumuha ng damit. Marami kasing nagbabanta sa
kanya.
Ayon
kay Simon, pinalabas raw ni Yabut na malinis ang kanyang intensyon sa pagsauli
nito ng cellphone. Nagduda siya dahil ilang beses na niyang tinawagan ang
naiwan niyang cellphone pero pinapatay ito ni Yabut. Kaya’t dito na niya
naisipang tawagan ang costumer service ng Grab para makuha ang personal number
ng driver.
Nang
makausap ni Simon si Yabut sa telepono, sinabi raw sa kanya na ‘di nito
hinahawakan ang naiwang cellphone dahil mayroon siyang pasahero.
Inamin
ni Simon na mali ang ginawa niyang pananakit kay Yabut. Humihingi siya ng tawag sa kanyang nagawa.
Nadala lang daw siya ng kanyang emosyon.
Pero
kahit humingi na nga tawad si Simon, hindi ito tinatanggap ni Yabut. Desidido
pa rin siyang kasuhan ito ng serious physical injury at madadagdagan pa ng oral
defamation.
Panoorin ang video:
Panoorin ang video: