Hindi lahat nang pagmamagandang-loob ay nakabubuti.
Minsan kasi imbes na pasalamatan ka ng taong pinagmagandahang loob mo ay
masasamain pa ito. Ganito ang nangyari sa isang Grab driver na matapos isauli
ang naiwan na cellphone ng kanyang pasahero ay binugbog pa ito.
Sa
post ng Grab driver na si Kiel Nigel Yabut na nag-viral sa Facebook, kinuwento niya
na nag-pick up siya ng pasahero na nagngangalang Jinno Jhon P. Simon bandang 12:21 AM noong February 9. Nagpahatid ito sa kanya sa
may Kamuning.
Sinabi
ni Yabut na naki-charge sa kanya si Simon, pero naiwan nito ang cellphone.
Nakalayo na siya nang biglang nag-ring ang kanyang telepono. Tinawagan siya ni
Simon at pinasusoli ang cellphone sa kanya. Pinababalik nito ang Grab driver sa
Kamuning.
Sinabi
ng driver na sa umaga na lang niya isasauoli ang cellphone. Pero nagpumilit ang
pasahero na emergency lang at kailangan na nito ang cellphone.
Nangako
diumano ang pasahero na sasagutin nito ang pang-gaas at pakakainin din ang Grab
driver. Pagdating sa Kamuning biglang inatake ng pasahero ang driver dahil
pinagbintangan ito na ninakaw ang kanyang cellphone. Dinala pa raw ang driver
sa barangay hall at pilit pinaamin sa krimen na ‘di naman niya ginawa.
Desido diumano ang Grab driver na dumulog sa korte para sampahan ng kaso ang pasaherong nambugbog sa kanya.
Sa
kabilang banda, wala pang pahayag si Simon tungkol sa akusasyon ni Yabut.
Panoorin ang video:
Panoorin ang video: