Viral ngayon ang video ng isang babaeng nagwawala sa kalsada
matapos na sitahin ng MMDA traffic enforcer dahil sa ‘di pagsusuot nito ng
helmet.
Ayon sa post ng Gadget Addict na
nagbahagi ng naturang video, nauna nang nasita ang babae sa Road 3 dahil sa ‘di
pagsusuot nito ng helmet. Pagkalipas lang ng labing limang minute habang
binabagtas ng sinasakyan nilang motorbike ang Visayas Avenue ay ‘di pa rin suot
ng babae ang helmet.
Makikita
sa video na galit na galit ang babae habang sinusugod nito ang traffic enforcer
na sumita sa kanya. Nagalit ang babae dahil pinagtatawanan diumano siya ng
traffic enforcer.
Inisyuhan
na lang ng ticket ang babae at ang kasama nito dahil patuloy pa rin ito sa
pagsasabi ng masasakit na mga salita.
Nang
tanungin kung bakit ‘di nagsuot ng helmet ang babae, sinabi nito na sa helmet
niya inilagay ang biniling ulam.