Iniutos na ni Mayor Sarah Duterte na ganap na nang ipagbawal ang sabong o anumang uri ng lugar na kanyang nasasakupan. Ito ay matapos na magkasundo ang Davao City Council para sila ay maging gambling free na.
Kamakailan lang ay may mga sabungero na nasawi dahil sa Covid na nagsipagdalo sa Araw ng Davao Derby na ginanap sa New Davao Matina Gallera. Kabilang sa nasawi ang operator ng sabungan na si Mr. Dory Uy, isang kristo at iba pa.
Umani ng iba't ibang reaksyon ang ginawanh hakbang na ito ng sabungera. May pumuri at meron ding hindi natutuwa partikular na ang mga sabungero na taga-roon. Payagan diumano nilang magkaroon uli ng sabong sa Davao City pagkatapos ng problema sa Covid. Dismayado rin ang iba at nagsabi na 'di na iboboto sa sunod ang mga Duterte sa susunod na eleksyon.
Ayon naman sa Mayora na kaya ipinagbawal ang sabong, STL at lahat na ng uri ng sugal ay ayaw niyang maging accessable ito sa mga ordinaryong mamamayan o mahihirap.