Chinese New Year kaya makakakita tayo ng dragon dance kung saan-saan. Hindi lang naman ang mga kapatid nating Intsik o Tsinoy ang nagdiriwang kundi pati na rin ang mga wala namang dugong Intsik ay nakikisaya rin.
Kung gusto mong makakita ng nagda-dragon dance, hindi mo na kailangan pang pumunta ng Chinatown. Baka makasalubong mo ang mga bata na ginagaya ang dragon dance kapalit ng pera. Pero sila walang ka-effort-effort sa costume at pantugtog. Simple lang kasi ang style nila.
Viral ngayon sa social media ang mga bata na nag-iikut-ikot at nagda-dragon dance kapalit ng pera. Na-videohan sila ng netizen na nagngangalang Ryan Blanco. Makikita sa video na timba ng pintura ang ginawa nilang drum habang ang isa naman ay may suot na tray na binalutan ng plastic sa ulo. Ang huli na ang pinaka-dragon na sumasayaw sa saliw ng tugtog na nagmumula sa timba.
Maraming netizen ang natuwa sa ginawa ng mga batang ito dahil sa kanilang pagiging madiskarte o malikhain. Mantakin mo ba naman na sa munti nilang paraan ay nakapag-dragon dance na sila at todo bigay pa sa kanilang performance!
Panoorin ang video: