Photo Credit: Din (Crazy Frog) |
Sa kabila ng kontrobersyal
na hinaharap ngayon ng kapulisan dahil sa isyung EJK na ipinaparatang sa kanila
dahil sa kontra-droga ng pamahalaan. May isang pulis na lumulutang ang pangalan
dahil sa kabayanihan niyang ginawa. Viral ngayon ang isang pulis na si PO2
Joselito Lantano matapos niyang iligtas ang mga pasahero ng isang bus sa kamay
ng mga holdupper.
Ayon sa kuwento ng
Facebook user na si Din (Crazy Frog), nakarating siyang ng Farmers-Cubao at
sumakay ng bus patungong Sta. Maria, Bulacan bandang alas-dos ng madaling araw.
Habang bumabaybay diumano ang sinasakyan niyang bus ay biglang may nagpaputok ng
baril sa kanyang likuran. May isang lalaki na sumigaw at nagdeklara ng holdup
saka uli nagpaputok ng isa pa. Sinabihan pa raw ng holdupper ang driver na
huwag ihihinto ang bus.
Base pa sa kuwento ni
Din, nagulat siya dahil biglang naglabas ng baril ang katabi niyang lalaki at
sumigaw ng “Pulis ako!” Sabay pinaputukan
nang dalawang beses ang holdupper. Nagtangka pa diumanong itaas ng holdupper
ang kanyang baril para puntiryahin ang konduktor kaya lang ay pinaputukan pa
ito ng pulis ng isang beses kung kaya’t tuluyan na itong namatay.
Sinabi pa ng pulis na “Huwag
kayong tatayo, kung sino ang tatayo ay mamatay”. Hinala kasi ng pulis na
mayroon pang kasamahan ang holdupper sa loob ng bus. Nagpaalam pa raw si Din sa
pulis na kung maari niyang kuhanan ng video at litrato ang nangyari at pumayag
naman ito. Pinahinto diumano ng pulis ang bus malapit sa mga pulis na
naka-standby. Nang pababa na ang mga pasahero ay isa-isang kinapkapan ang mga
ito at dalawa sa kanila ang hinuli. Matapos na ituro sila ng ilang pasahero na
nakakita sa kanila na kasama nila ang holdupper.
Abut-abot ang pasasalamat
ng mga pasahero kay PO2 Joselito Lantano dahil sa kabayanihang ginawa nito.
Naka-off day pa nga raw ang police officer nang sandaling ‘yun, pero ‘di
nagdalawang isip na rumesponde sa nangyayaring krimen.
Source: Facebook