Skip to main content

Viral: Biker, Inirireklamo ng Isang Babaeng Pasahero ng Bus Dahil sa Pambabastos?

Marami na tayong nabalitaan na kuwento ng mga babae sa social media na naka-encounter sila nang pambabastos o pangma-manyak habang sila ay nakasakay sa pambulikong sasakyan. Hindi rin nalalayo ang kuwento rito ng isang Facebook user na si Keesh Ylagan. Pinag-uusapan ngayon ang kanyang shot out hinggil sa kanyang pangit na karanasan sa isang biker na nagngangalang Elesse Sanding.

Ayon kay Keesh, sakay siya noon sa isang bus kung saan nakaupo siya sa tabi ng bintana. Nang tumigil ang kanyang sinasakyan ay siya namang pagdaan ng isang biker sabay nito sa kanya. Dahil sa kanyang inis ay inabangan niya ang biker sa Mcdo para komprontahin sa ginawa nitong panghahawak sa kanya. Aniya, “Tinanong ko kung tigang sya, HINDI daw. HINDI daw sya manyak. HINDI daw sya nanchansing. WOW. Ano tawag mo dun tsong?!”

Tinanong niya rin ang biker kung bakit kailangan niya pang humwak sa bus, sumagot ang biker na ganun naman daw talaga ang kanilang gawain. Dahil sa ‘di nagustuhan ni Keesh ang sagot ng biker dahil tila abusado pa raw sumagot ay nagpasya siyang pasikatin ito sa Facebook sa pamamagitan nang pagpu-post nito sa larawan ng biker. “NAGKAMALI KA NG HINAWAKAN…DI LAHAT NG BABAE DI NALANG KIKIBO, MATATAKOT NALANG AT IIYAK SA GILID!, dagdag pa ng dalaga.

Napatunayan diumano ni Keesh na wala sa kasuotan ng babae kung bakit ito nababastos. Sadya lang daw may mga manyakis sa paligit kung kaya’t pinag-iingat niya ang kababaihan.

Matapos kumalat ang shot out ni Kesh, agad namang sumagot ang biker na kanyang pinatutungkulan. Ayon kay Elesse, humihingi siya nang pasensya. Nagkaroon lang daw sila nang malaking ‘di pagkakaunawaan ng babae. Nagkamali raw siya na nahawakan niya ito sa braso. Pero ‘di niya naman ito sinasadya. Aniya, “Alam ko merong mga taong hindi maniniwala sa akin pero hindi ko po siya binastos o hinipuan. Nasa bike po ako nung nasa bus siya at umandar yung bus kaya nahawakan ko siya sa braso. Pasensya na po talaga sa mga naapektuhan”.



Popular posts from this blog

Anak, pinagtataga ang nanay dahil sa Social Amelioration Program

Marami ang di makakuha ng tulong ng DSWD o tinatawag na Social Amelioration Program dahil di sila kuwalipikado na makakuha. Umalma na maging ang nasa middle class, bakit di raw sila kasali gayung apektado rin sila. Ngunit di lahat nang nakakakuha ng SAP ay pinapalad. Katulad ng isang 59-anyos na nanay na napaslang nang sarili niyang anak dahil dito. Ayon sa ulat, nanghingi diumano ng pera na ang 34-anyos na anak sa nanay nito. Pero nang hindi ito napagbigyan ay pinagtataga niya ito. Nangyari ang krime sa Rosario, La Union. Sabi ng pulisya, may deprensya diumano ang lalaki at nakainom pa ng alak.

OFW na may sintomas ng Covid, gumaling sa asin?

Isang OFW na nakabase sa Amerika ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa Covid na pinuproblema ngayon ng buong mundo. Ayon sa Fb live ni Boyet Castelo, asin daw ang kanyang ginamit nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng lalamunan at ng ubo. Ikinuwento niya na nang mabalita sa Amerika na marami nang tinamaan ng Covid ay pumapasok pa rin siya ng trabaho bagama't kakaunti na lang sila. Pero nagpasya na rin siyang tumigil sa trabaho nang maalarma na siya. Nabalitaan niya na dalawa sa building na pinagtatrabahuan niya ang Covid positive. Hindi niya raw alam na may dala-dala na siyang virus. Nag-umpisa nang mangati ang kanyang lalamunan at ubuhin na ilan sa sintomas sa pagkakaroon ng Covid. Pero hindi niya ito pinapansin sa pag-aakalang pangkaraniwan lang ito. Maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom. Pero biglang niyang naaalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan na laging magdala ng asin kahit saan man siya tumira. Kumuha siya ng isang baso at nila...

Pamilya na nakakuha ng 6,700 na ayuda sa DSWD, timbog sa Droga!

Timbog ang apat na katao na magkakapamilya matapos silang mahuli sa buy bust operation na isinagawa sa Tatalon, Quezon City. Ito ay sa kabila nang umiiral na Enhance Community Quarantine, nagawa pa rin nilang makipagtransaksyon. Ang mga nahuli ay sina Elvie Flores kasama ang kanyang dalawang anak na sina Angelo at Natalie pati na rin ang balae nito. Ayon sa pulisya, ang mga anak ni Elvie ay kanyang ginagamit para maging taga-abot ng droga. Habang ang balae naman ay gumagamit at kumukuha o nagbibenta rin. Nakuha mula sa kanila ang labintatlong sacchet ng shabu na may street value na 30 thousand pesos. Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagtutulak kasabwat ang kanyang mga anak. Ito na raw ang kanyang ipinambuhay sa mga anak dahil wala siyang asawa. Sinabi rin ng pulisya na si Elvie at balae nito ay benepisaryo ng 4ps at parehong nakatanggap ng 6,700 mula sa DSWD na ginamit nila diumanong puhunan para sa iligal na negosyo.