Lumikha ng takot at pag-aalala ang katatapos lang na lindol na nangyari ngayong April 8, bandang alas tres ng hapon lalo na sa mga lugar na naging sentro nito. Gaya na lang sa Mindoro at Batangas kung saan ay nakaranas sila mula 5.6 hanggang 5.9 na lindol.
Pagkatapos ng lindol, agad na nag-viral ang mga larawan na pinost sa social media ng isang nagngalang Ryan Valle na nagpapakita kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng naganap na lindol. Makikita sa mga larawan ang mga kotse na sira na ang bubong matapos mabagsakan ng semento. Napinsala rin ang mga pader ng gusali nang nasabing resort.
Kasalukuyan diumanong nahbabakasyon si Ryan sa Netanya Resort sa Mabini, Batangas nang makaramdam sila ng malakas na lindol. Dahil dito ay nagpanic ang mga kapwa niya bakasyunista habang nag-iiyakan naman ang mga bata. Agad naman silang inalalayan ng mga staff ng resort at dinala sila sa open space na lugar.
Dahil sa magkakasunod na nangyaring lindol ngayon, marami ang naniniwala anumang oras ay maaari nang maganap ang kinatatakutang the Big One kung kaya't dapat ay maging alerto palagi.
Source: Facebook, Rappler