Patay ang dating beauty
queen na si Mary Christine, 23-taong gulang nitong Miyerkules ng umaga. Ito ay
matapos siyang pagbabarilin.
Ayon sa ulat,
nakatanggap diumano ng boquet ng bulaklak at isang kahon ng tsokolate sa dalawang lalaki sa bahay nito sa Brgy. Banga, Plaridel, Bulacan. Pero pagkalipas lang ng
minuto ay binaril na ito ng isa sa mga suspek. Tumakas sila sakay ng
motorsiklo.
Agad namang dinala sa
hospital ang biktima, pero ‘di pa man nakararating ay binawian na ito ng buhay.
Sa ngayon ay blanko pa
ang kapulisan kung ano ang motibo ng mga suspek para gawin ito sa dalaga. Isa sa anggulong kanilang tinitingnan ay kung may kinalaman ba ito sa pag-ibig.
Humihingi naman ng
katarungan ang pamilya at mga kaklase ni Balagtas sa University of Regina Carmeli
College. Nagpahayag ang mga kaklase nito ng kanilang galit sa pamamagitan ng
social media.
Si Balagtas ay nagwagi noon
sa La Bulakenya pageant noong 2009.
Source: Inquirer, GMA 7, ABS-CBN