Photo credit: Kimark |
Puring-puri ngayon ang isang
Facebook user na si Kimark dahil sa kanyang pinost hinggil sa kanyang pag-ibig
sa kanyang asawa na isang single mom. Proud niyang ibinahagi sa social media
ang kanyang litrato kasama ang kanyang asawa at dalawang anak nito sa dati
nitong karelasyon.
Binigyang payo ni Kimark
ang kalalakihan na huwag
magdadalawang-isio na magmahal ng isang babaeng may anak na. Sinabi niya na
hindi man sa iyo nanggaling ang bata ay maaari namang maging dahilan ka para lumaki itong isang
mabuting tao.
Hindi naman daw
kinakailangan na maging kadugo mo ang bata para panindigan mo ito. Dapat ay
tumbasan mo rin kung anuman ang ibinbigay na pagmamahal nito ng kanyang ina.
Kumbaga, maging ka para sa mga bata. Dapayt nga raw ay maging proud ka kung
single mother man ang iyong nakarelasyon dahil ‘di nila pinababayaan ang
kanilang anak.
O, kaya r’yan sa mga
may pagtingin sa mga single mother, huwag nang magdalawang isip na ipahayag ang
nararamdaman. Eh, ano kung may sabit o hindi ikaw ang nakauna. Kung mahal mo
naman ang isang tao tanggap mo dapat kung ano siya o kung anuman ang kanyang
nakaraan. Meron nga d’yan kahit apat pa o higit pa ang mga anak ay minamahal pa
rin nila ang babae. Sabi nga ng dakilang makata na si William Shakespeare, “Love
is blind” at sabi naman ni Balagtas, “O, pag-ibig na makapangyarihan sa lahat,
hahamakin ang lahat masunod ka lamang…”