Nakahanda diumanong tumanggap ng posisyon sa gobyerno ang dating senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kung sakali mang alukin siya ni President Rodrigo Duterte.
Ang nasabing pahayag ay isinagot ni Bongbong nang makapanayam siya ng media sa 70th birthday celebration ng dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo nitong April 5.
Ani Bongbong, hindi niya maaaring tanggihan kung aalukin siyang sumali sa gabinete ng pangulo dahil ito naman ay para sa bansa.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng alingasngas na si Bongbong ang papalit sa puwesto ng sinibak na DILG Secretary na si Samuel Sueno. Ngunit nagkaroon ng mga alingasngas na hindi interesado rito si Bongbong dahil ang pagka-bise presidente ang kanyang puntirya. Lalo na't mayroon pa siyang nakahain na electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa ngayon, 'di pa raw nagkakausap sina Bongbong at si Pangulong Duterte. Ni hindi pa niya ito natatanong kung ano ba ang posisyon na iaalok nito sa kanya.
Source: Rappler