Photo Credit: Danified |
Pero may iba, sa halip na makiisa o makisimpatya man lang ay gumagawa ng eksena. Gaya na lang ng isang lalaki na nakuhanan ng larawan habang naka-dirty finger kay Mama Mary.
Sa mga Katoliko, si Mama Mary o Virgin Mary ay isang mahalagang personalidad dahil ito ang naging ina ni Hesus sa lupa. Ang kanyang rebulto ay kanilang iginagalang at di basta isang palamuti lang.
Ang nasabing gawi ng lalaki na nasa larawan ay umani ng iba't ibang reaksyon mapa-Katoliko man o hindi. Anila di katanggap-tanggap ang ginawa ng lalaki. Kung di man siya naniniwala kay Mama Mary, sana ay inirespeto niya ang paniniwala ng iba. Para kasing binastos na rin niya ang lahat ng Katoliko sa buong mundo.
Kung tutuusin, hindi na rin bago ang ganitong senaryo, ang iba pa nga ay dinudurog o sinusunog pa ang rebulto ni Virgin Mary para ipakita na 'di sila naniniwala sa mga rebulto. Sinasabi raw kasi sa Bibliya na ipinagbabawal ng Diyos ang paggawa at pagsamba sa mga imahe.
Pero para sa mga Katoliko, 'di naman nila sinasamba ang mga rebulto bagkus ito ay nagsisilbi lang na simbolismo ng kanilang pananampalataya.
Source: Danified, Rachfeed