Photo Credit: GMA 7 |
Ang dalaga ay napaulat na
binaril matapos itong bigyan ng bulaklak at tsokolate ng dalawang lalaki na
nagpanggap na delivery boys. Lulan ang mga suspek ng motorsiklo. Posible
diumanong mga hired killer ang pumaslang sa dalaga. Kung sino ang nag-utos sa
kanila ay ito ang inaalam ng kapulisan.
Ayon sa hepe ng
Plaridel, Bulacan na si Police Supt. Julio Lizardo, sinabi sa kanya ng ina ni
Balagtas na mayroong asawa ang nobyo ang kanyang anak. Ang asawa nito ay nasa
abroad. Gusto
na raw hiwalayan ng lalaki ang asawa kaya lang ay medyo natatakot pa ito.
Sa salaysay pa ng ina ni Balagtas sa pulisya, ilang
beses na raw nitong nakausap ang asawa ng nobyo ng anak sa telepono. Nakikiusap
na ito na kung maaari ay hiwalayan na kanyang anak ang asawa nito.
Sa ngayon ay wala pang
pahayag ang nobyo ni Balagtas pati na rin ang asawa nito na nasa abroad.
Source: 24 Oras